^

Bansa

Responsable sa fake news sa online system probe sa HK, kastiguhin - Lilac

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinakakastigo ng Lilac Center for Public Interest, Inc., kay Labor Secretary Silvestre Bello lll ang isang Hong Kong service provider na nagpapakalat umano ng fake news para maniobrahin ang imbestigasyon sa bagong online system sa labor office sa nasabing bansa.

Ayon kay Lilac Center president Nicon F. Fameronag, ang mga kasinungalingan at pagkuwestyon umano ni Jaime Deverall, presidente ng Hong Kong service provider na Polaris Tools, ay lubhang nakaapek­to sa legalidad ng im­bestigasyon ng DOLE sa bagong online system ng Philippine Overseas Labor Office (POLO).

Nauna nang bumuo si Bello ng isang fact-finding body para siyasatin ang mga opisyal ng POLO sa HK matapos nilang palitan ang service provider na 11-taon ng ginagamit para sa real-time service sa mga OFW ng walang public bidding o konsultasyon.

Ayon kay Famero­nag, sinungaling si Polaris Tools corporate secretary David Bishop nang sabihin nitong nagkasundo na sina Deverall at Labor Usec. Claro Arellano, pinuno ng DOLE investigating team, na magiging pabor sa Polaris ang ilalabas na resulta sa kanilang imbestigasyon.

Pinabulaanan aniya ni Arellano na nakipag-usap at nangako siya kay Deverall para ma­ging positibo sa kanila ang imbestigasyon.

LILAC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with