^

Bansa

Cardema umatras bilang Duterte Youth nominee — Comelec commissioner

James Relativo - Philstar.com
Cardema umatras bilang Duterte Youth nominee â Comelec commissioner
Oras na matanggap ang diumano'y pag-atras ni Cardema, ang susunod na nominado ng Duterte Youth party-list ang nais niyang pumalit sa kanya.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Binabawi na ni Ronald Cardema ang kanyang nominasyon bilang kinatawan ng Duterte Youth Party-list, ayon sa dokumentong inilabas ng isang opisyal ng Commission on Elections ngayong Lunes.

Ang notice of withdrawal ay ipinadala diumano ng dating National Youth Commission chair kay Comelec chairperson Sheriff Abas, Director Maria Norina Tangaro-Casingal ng Comelec Law Department, at sa board of directors ng kanilang party-list.

Nauna na nang kinansela ng Comelec First Division and nominasyon ni Cardema noong Agosto dahil sa pagiging masyadong matanda para maging kinatawan ng kabataan.

"I, RONALD GIAN CARLO L. CARDEMA, Filipino, and a resident of Calamba City, hereby present to our party and to the COMELEC my intent to withdraw from my nomination as the First Nominee of the Duterte Youth Party-List," sabi ng papel.

Sa papel na isinapubliko ni Comelec Commisioner Rowena Guanzon, sinabi aniya ni Cardema na si Guanzon mismo ang dahilan kung bakit siya umaatras sa pag-upo sa posisyon.

"[U]ntil now we are not able to take our duly-proclaimed seat in the Philippine Congress because of the public harassment towards me of COMELEC Commissioner Rowena Guanzon," dagdag pa raw ni Cardema.

Kinukuha pa ng PSN ang panig ni Cardema kung totoo ang dokumentong inilabas ni Guanzon, ngunit hindi pa rin tumutugon sa panayam.

Reklamo niya, hindi tuloy nila magampanan ang tungkulin na iginawad sa kanila ng 350,000 bumoto sa kanila.

Tumugon naman dito si Guanzon at sinabing: "[A]ko pa rin [d]aw ang dahilan. S T U P I D."

'Youth and professionals'

Umani ng isang seat sa Kamara ang kanilang grupo matapos ang 2019 midterm elections ngunit humaharap pa sa kaso ang  kaugnay ng sari-saring akusasyon. 

Kasama na riyan ay ang ang pagfi-field ng mga kandidatong "overaged" na para sa isang youth representative sa Kamara.

Si Cardema ay 34 na kahit 25 hanggang 30-anyos lang ang maaari sa posisyon, ayon sa Section 9 ng Republic Act 7941.

Pero giit nila, advocate lang sila ng "youth and professionals sectors" kung kaya't wala rapat age limit para sa posisyon.

"When the COMELEC En Banc approved our Registration last January 2019, our nominees were ages 28, 40, 41, 43, & 46," dagdag pa ng sulat.

"[She] used her office as a Commissioner-Judge to show clear bias and to harass us daily in the media, to slander and destroy our party's reputation in public."

Naninindigan din ang kanilang grupo na humihingi ng mga pabor si Guanzon sa kanila kapalit ng kanyang lagda sa kanilang registration, kahit na si Guanzon na raw ang ika-limang pirmang nandoon.

Una nang pinabulaanan ni Guanzon na humingi siya ng P2 milyon kay Cardema: "Duda nga akong meron siyang P500k sa bank account niya."

Agosto nang ilabas ng Comelec First Division ang kanilang desisyong kanselahin ang pagiging nominado ni Cardema, sa pamamagitan ng isang resolusyon.

Second nominee papalit? O hindi?

Oras na matanggap ang pag-atras ni Cardema, ang susunod na nominado ng Duterte Youth party-list ang nais niyang pumalit sa kanya.

"It is my prayer that this personal sacrifice be accepted and proceed now to the immediate release of the Certificate of Proclamation of the succeeding nominee of the Duterte Youth Party-List," dagdag ni Cardema sa alleged withdrawal.

Gayunpaman, hindi sinabi niya kung sino mismo sa mga susunod na nominado ang pauupuin.

Kung titignan ang substitute nominees ng Duterte Youth, lagpas din sa 30-anyos na age-limit ang ikalawa, ikatlo at ikaapat nilang nominees.

  • 2nd Nominee: Gian Carlo Galang, 36
  • 3rd Nominee: Catherine Santos, 33
  • 4th Nominee:  Kerwin Pagaran, 31

Ang ikalimang nominado nila, na si Sharah Macabali ay 29 habang ang ikaanim na nominado nila ay si Allan Payawal, na 27-anyos.

Kung titignan naman ang orihinal na nominees nila, na pare-parehong umatras sa nominasyon, tanging ang misis ni Cardema na si Ducielle Marie Suarez ang pasok sa requirement ng edad, na 28-anyos nang aprubahan ng Comelec ang kanilang rehistrasyon.

Hinihingi pa sa ngayon ng PSN at Philstar.com ang panig ni Comelec spokesperson James Jimenez kung ano ang maaaring kahantungan ng posibleng pag-atras ni Cardema.

Sa kabila nito, hindi pa nagpapaunlak ng panayam si Jimenez patungkol sa isyu.

COMMISSION ON ELECTIONS

DUTERTE YOUTH PARTY-LIST

RONALD CARDEMA

ROWENA GUANZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with