^

Bansa

Bilibid kontrolado ng Mafia

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Bilibid kontrolado ng Mafia
“‘Yung mga high profile inmates naging napakamakapangyarihan at napakamayaman na sila halos ang nagpapatakbo ng kulungan, hindi na ang gobyerno. Kasi sila na ang nagpapatakbo e,” sabi ni Sen. Lacson.
File

MANILA, Philippines — Kontrolado ng mga  high-profile inmates at hindi ng gobyerno ang New Bilibid Prison (NBP), ayon kay Sen. Panfilo Lacson.

“‘Yung mga high profile inmates naging napakamakapangyarihan at napakamayaman na sila halos ang nagpapatakbo ng kulungan, hindi na ang gobyerno. Kasi sila na ang nagpapatakbo e,” sabi ni Sen. Lacson.

Aniya, lumala ang sitwasyon sa Bilibid dahil nagmukhang “helpless” ang gobyerno.

Idinagdag ni Lacson, naging mafia na ang Bilibid dahil wala ng magawa ang Bureau of Corrections (BuCor) officials.

Aniya, 80 percent ng illegal drugs transactions ay nangyayari sa loob ng NBP.

Magugunitang sinabi ng isang testigo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee na for sale ang GCTA upang maagang makalaya.

Nagagawa rin ng inmate na kumuha ng hired killers kahit nasa loob ng national penitentiary.

Kamakailan ay napatay ang 53-year-old BuCor official na si Ruperto Traya sa Muntinlupa sa gitna ng kontrobersya sa isyu ng GCTA for sale.

Si Traya ang in-charge sa pangongolekta at may hawak sa GCTA documents.

Maging ang mga high profile inmates ay nababayaran ang hospital pass upang magkunwaring maysakit para manatili sa ospital.

“Pasalamat tayo at nagkaroon ng pagdinig kaugnay dito kasi kundi baka lalo pang lumala ang anomalya sa loob ng NBP,” dagdag ni Lacson.

 

MAFIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with