^

Bansa

Centralized dispatching system nakikitang solusyon vs Metro traffic

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ni House Committee on Transportation Chairman Edgar Mary Sarmiento ang centralized synchronized dispatching system para masolusyunan ang lumalalang trapiko sa Metro Manila.

Iminungkahi ni Sar­miento na ang innermost lane ng EDSA ay magi­ging eksklusibo lamang sa mga bus na gagamit sa sistema ng Metro Rail Transit (MRT) 3 kung saan magbababa at magsasakay ito sa bawat istasyon ng tren.

Habang ang outer lane o yellow lane ay mananatili rin para sa city buses subalit mag­lalaan ng isang kilo­metrong pagitan ng bus stops at hihigpitan ang loading at unloading ng mga pasahero bilang bahagi ng centralized dispatch system.

Samantalang ang  express bus lane na mapakikinabangan ng MRT commuters ay mag-ooperate hanggang sa Parañaque Integrated Bus Terminal sa South habang sa Valenzuela naman sa North.

Ang nalalabing tatlong lane sa EDSA ay para naman sa lahat ng klase ng pribadong sasakyan na tatalima sa number coding scheme at papayagan lang na gumamit ng outer lane kapag liliko sa intersection.

Iginiit ni Sarmiento, na sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagkakanya-kanya ng mga bus na nakikipag-agawan ng pasahero, naghahabol, tumatambay at lumalabag sa overspeeding.

Dahil dito kaya maa­ari na umanong lumuwag ang daloy ng trapiko sa kamaynilaan.

 

METRO TRAFFIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with