^

Bansa

Salceda sa Gabinete: Isyu ninyo Linawin muna sa Pangulo

Pilipino Star Ngayon
Salceda sa Gabinete: Isyu ninyo Linawin muna sa Pangulo
Ginawa ni Salceda ang panawagan bilang ‘Ways and Means Committee chairman’ ng Kamara dahil sa pagkaantala ng mga prayoridad na panukalang batas lalo na ang ‘Corporate Income Tax and Incentive Rationalization Act (CITIRA) na halos pasado na maliban sa isang panukalang amyenda.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nanawagan si Albay Rep. Joey Salceda sa mga miyembro ng Gabinete na linawin muna nila sa Pa­ngulo ang magkakataliwas nilang mga isyu at huwag gawing palaruan ang Kamara sa kanilang hindi pagkakasundo na lumilikha lamang ng mga kalituhan, nakakadiskaril sa trabaho ng mga mambabatas at nagbibigay duda sa mga mamumuhunan.

Ginawa ni Salceda ang panawagan bilang ‘Ways and Means Committee chairman’ ng Kamara dahil sa pagkaantala ng mga prayoridad na panukalang batas lalo na ang ‘Corporate Income Tax and Incentive Rationalization Act (CITIRA) na halos pasado na maliban sa isang panukalang amyenda.

Bahagi ang CITIRA ng ‘Comprehensive Tax Reform Program’ (CTRP)’ ng administrasyon. Layunin nitong babaan ang ‘corporate income tax rate’ sa 20% mula 30% para sa mga isang milyong korporasyon sa bansa.

 “Nakikiusap ako sa Gabinete na huwag naman ninyong gamitin ang Kamara sa hindi ninyo pagkakasundo at liwanagin muna ninyo sa Pangulo ang mga isyu ninyo. Kayo ngayon ang lumilikha ng mga kalituhan at duda sa mga mamumuhunan, bukod sa nadediskaril pa ninyo ang trabaho ng Kamara,” himutok ni Salceda.

SALCEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with