^

Bansa

Arbitral ruling ’di isasantabi para sa exploration deal sa China - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Siniguro ng Malacañang na hindi kailanman isasantabi ng Duterte administration ang Permanent Court of Arbitration (PCA) ruling kapalit ng joint oil exploration sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Ginawa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang paha­yag kasunod ng naging pag-amin ni Pangulong Duterte na sinabihan siya ni Chinese President Xi Jinping na isan­tabi muna ang arbitral ruling para maisagawa ang joint exploration.

Sinabi ni Panelo, ang naturang award mula sa PCA ay final, binding at “forever” kaya hindi ito maaaring isantabi at balewalain.

Ayon kay Panelo, ang problema lamang ay kung paano maipatupad dahil hindi naman ito kinikilala ng China at kailangan ng pwersa para mapaalis ang mga Chinese vessels sa mga teritoryong inaangkin ng China na pag-aari dapat ng Pilipinas gaya sa Scarborough Shoal.

Paglilinaw pa ni Pa­nelo, ang joint exploration ay hiwalay na usapin sa arbitral ruling at patuloy pa ang ginagawang pag-aaral ng magkabilang komiteng binuo kung paano ito isagawa.

Ang 60-40 hatian sa makukuhang langis o yamang mineral at kung saan ito isasagawa ay hindi rin pinal pa at bahagi ito ng pinag-aaralan.

ARBITRAL RULING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with