^

Bansa

5.3 magnitude na lindol naitala malapit sa Quezon

James Relativo - Philstar.com
5.3 magnitude na lindol naitala malapit sa Quezon
Evacuation ng mga estudyante mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila matapos ang lindol.
Release/Manila Youth Bureau

MANILA, Philippines (Updated 6:10 p.m.) — Panibagong pagyanig ang nadama ng publiko matapos maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang magnitude 5.3 na lindol.

Unang ibinalita ng Phivolcs na 5.5 ito ngunit nirebisa rin 'di lumaon.

Namataan ang epicenter ng lindol 40 kilometro mula sa Burdeos, Quezon kanina 4:28 p.m. ng hapon.

Sinasabing tectonic ang pinagmulan ng earthquake.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity V:

  • Burdeos at Infanta, Quezon 
  • Los Baños at Pakil, Laguna

Intensity IV:

  • Jose Panganiban, Camarines Norte
  • Quezon City
  • Marikina City
  • Sta. Cruz, Laguna
  • Alabat at Gen. Nakar, Quezon

Intensity III:

  • Guinayangan, Quezon
  • Muntinlupa City
  • Manila City
  • San Jose Del Monte, Bulacan
  • Bacoor, Cavite
  • Maddela, Quirino
  • San Mateo, Rizal
  • Baler, Aurora
  • Lucena City

Intensity II:

  • Dingalan, Aurora
  • Mandaluyong City
  • Apalit, Pampanga
  • Taguig City
  • Lucban, Quezon

Intensity I:

  • San Isidro, Nueva Ecija
  • Gapan City
  • Meycauayan, Bulacan

Sa litratong ito, makikita ang paglikas ng ilang empleyado ng Department of Justice sa Maynila.

Narito naman ang eksena sa Far Estern University habang lumalabas ang kanilang mga estudyante patungo sa university open grounds.

Balik operasyon na rin ang Manila Metro Rail Transit System Line 3 matapos ang lindol.

Muli itong umandar bago mag-alas-singko y media.

Naitala na rin ang magnitude 2.4, magnitude 5.1 at magnitude 2.9 na aftershocks matapos ang inisyal na paglindol.

Inabisuhan naman ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ang lahat ng property custodians at managers na suriin ang structural integrity ng mga gusali bago muling magpapasok ng mga tao.

Inaasahan din ng Phivolcs na magkakaroon ng ilang pinsala mula sa pangyayari. — may mga ulat mula kay Rosette Adel, News5 at The STAR

AFTERSHOCKS

EARTHQUAKE

PHIVOLCS

QUEZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with