^

Bansa

Extradition ni Joma, tinatrabaho na ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatrabaho na ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) ang extradition ni CPP-NPA founder Jose Maria “Joma” Sison.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hihingi sila ng special arrangement sa Dutch Government para mapabalik sa bansa si Sison at panagutan ang kanyang mga kinakaharap na kaso.

Si Sison at 37 iba pa ay ipinaaaresto ng hukuman kaugnay sa mga kaso ng pagpatay na may kaugnayan sa masaker na naganap na Inopacan, Leyte noong 1985.

Si Sison at  asawang si Juliet Sison, na subject rin ng naturang warrant of arrest, ay nag-self-exile sa The Netherlands may tatlong dekada na ang nakalilipas.

Giit ng kalihim, ang isang kriminal at terorista na tulad ni Sison ay hindi maaaring ikonsidera na political refugee.

Naniniwala ang kalihim na patuloy pa ring nagbibigay ng utos si Sison sa “terrorist forces” sa bansa, sa pamamagitan nang paglalathala ng kanyang mga pahayag na nag-aatas sa New People’s Army na pumatay at mandambong sa Pilipinas.

Una nang sinabi ni Año na nakipag-usap siya sa deputy ambassador ng European Union upang hilingin na bawiin ang “refugee status” ni Sison sa The Nether­lands at mapauwi ito sa bansa at harapin ang mga kasong kanyang kinakaharap.

JOMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with