^

Bansa

PNP: Ika-2 batch ng 'susukong' Chiong rape convicts 'di nagpaparamdam

James Relativo - Philstar.com
PNP: Ika-2 batch ng 'susukong' Chiong rape convicts 'di nagpaparamdam
Matatandaang sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete na layong sumuko nina Josman Aznar at James Anthony Uy, na napalaya sa pamamagitan ng retroactive na paglalapat ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance.
Facebook/Give Up Tomorrow

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine National Police na wala pa silang nakukuhang impormasyon o pagpaparamdam mula sa ikawala at ikatlong nahatulan sa rape-slay ng magkapatid na Jacqueline at Marijoy Chiong noong 1997.

"Sa ngayon, wala. In fact, even feelers, wala tayong nakukuha. Walang report sa atin 'yung regional director ng [Police Regional Office] 7 or even other RDs for that matter," ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, Martes ng hapon.

Una nang sinabi nina Josman Aznar at James Anthony Uy na susuko sila matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumalik ng kulungan ang libu-libong heinous crime convicts na napalaya gamit ng Good Conduct Time Allowance.

"Wala tayong nakukuhang surrender feelers sa kanila," dadag niya.

Matatandaang sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete na layong sumuko nina Aznar at Uy, na napalaya sa pamamagitan ng retroactive na paglalapat ng Republic Act 10592 o GCTA law.

Ang RA 10592 ay nagagamit ng mga convict para maawasan ang kanilang mga sintensya sa pamamagitan ng pagpapakatino sa loob ng kulungan.

Gayunpaman, sinasabing hindi saklaw ng pribilehiyo ng GCTA ang mga gumawa ng karumaldumal na krimen.

Miyerkules nang bigyan ni Duterte ng 15 araw, o hanggang ika-19 ng Setyembre, ang mga 1,700 heinous crime suspects na sumuko sa batas. Matapos nito ay ituturing na raw silang pugante.

'Yan ay kahit na lumaya 2,160 nakulong sa karumaldumal na krimen ang napalaya mula 2013, ayon sa datos ng Bureau of Corrections.

Una nang nabanggit ng BuCor na 1,914 ang heinous crime convicts na napalaya sa pamamagitan ng GCTA simula 2014.

Tungkol sa sinabi ng dating abogado ng mga nakulong sa Chiong sisters rape-slay na hindi na maaaring bawiin ang GCTA oras na maibigay, binanggit naman ni Albayalde na "null and void" ang pagpirma ni dating BuCor director general Nicanor Faeldon sa release nila.

Dalawang nagkasala kaugnay ng panghahalay at pagkamatay ng mga Chiong ang nauna nang sumuko sa BuCor sa katauhan nina Ariel Balansag at Alberto Caño.

Nangyayari itong lahat sa gitna ng kontrobersiya sa posibleng paglabas ng kulungan ni ex-Calauan mayor Antonio Sanchez, na nakulong din sa rape-slay ng dalawang UP Los Baños students.

Lumabas din sa Senado kamakailan ang kontrobersiya ng "pagbebenta" diumano ng GCTA ng ilang BuCor officials kapalit ng maagang kalayaan ng inmates.

'Mahirap matunton'

Samantala, sinabi rin ni Albayalde na hindi madaling tuntunin ang kinaroroonan nang libu-libong heinous inmates na napalaya.

Aniya, wala raw kasing address na nakalagay sa listahan ng BuCor patungkol sa 1,914 convicts.

"Criminal cases [lang] ang meron. Even the pictures, 'yung picture nila previously, after mga 15 [to] 20 years iba na siguro ang itsura ng tao na 'to," paliwanag ni Albayalde.

"I hope 'yung mga involved dito, or 'yung mga nasa listahan, will voluntarily surrender." 

Sa ngayon, ipinagpapalagay na lang daw nila na nakatira at bumalik ang mga nabanggit sa lugar kung saan nila ginawa ang dati nilang krimen.

Oras na bumalik ang mga convict sa kulungan, dadaan naman daw sa review ang kanilang mga kaso at hindi tatapusin ang sintensya kung kung mapatunayang walang nilabag na batas pagdating sa GCTA.

"'Yung mga na-qualifiy naman for GCTA, palalabasin din naman. Because that is what the law provides," dagdag pa ng hepe ng PNP.

"So it's better for them to surrender talaga, rather than na hintayin pa nila na hanapin sila ng mga law enforcement agencies."

Sa mga ulat na nakalabas na ng bansa ang ilan sa mga nabanggit, maaari raw silang makipag-ugnayan sa Interpol at Philippine Center for Transnational Crime upang maaresto sila.

Gayunpaman, wala pa naman daw silang nakukuhang impormasyon kung totoong may nakalabas na ng Pilipinas, lalo na sa mga banyagang convict.

Matatandaang inilagay na sa lookout bulletin ng immigration ang mga nabanggit. 

CHIONG SISTERS

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE

HEINOUS CRIMES

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with