^

Bansa

Sakit na cancer, malalaman na sa dugo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Sakit na cancer, malalaman na sa dugo
Ang IFinder Smart Cancer screening test ay ipinakilala sa Pilipinas ng Khealth Corporation na kinabibilangan ng mga dalubhasa ng Korea kasama ang medical cancer experts ng National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City.
File

MANILA, Philippines — Madali ng malaman kung ikaw ay may sakit na cancer sa pamamagitan ng dugo.

Ang IFinder Smart Cancer screening test ay ipinakilala sa Pilipinas ng Khealth Corporation na kinabibilangan ng mga dalubhasa ng Korea kasama ang medical cancer experts ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.

Ang naturang screening test ay mas convenient, cost efficient at agad makikita sa vitro cancer screening ang lahat ng walong uri ng cancer tulad sa tiyan, colorectal, ovarian, prostate, breast, liver, pancreas at lung cancer sa pamamagitan lamang ng pagkuha ng dugo ng isang tao.

Sinabi ni Dr. Dante Dator, urologist ng NKTI, isa siya sa nakinabang sa teknolohiyang ito kayat tinulungan ang kumpanya na dalhin sa Pilipinas upang maagap na mabigyang lunas ang mga taong pinaghihinalaang may sakit na cancer sa ating bansa.

Hindi anya agarang nalalaman kung ang isang tao ay may sakit na cancer hanggat hindi ito nagiging malala na pero kung maagapan ng test na ito, malaki ang maitutulong para mabuhay pa ng mahabang panahon ang isang tao.

Anya, ang pangunahing ugat ng cancer ay genetic o namamana, mula sa paninigarilyo, lifestyle at environment.

DUGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with