^

Bansa

Vegans, vegetarians mas lapitin ng 'stroke' kaysa kumakain ng karne — study

James Relativo - Philstar.com
Vegans, vegetarians mas lapitin ng 'stroke' kaysa kumakain ng karne â study
Gayunpaman, lumalabas din sa parehong pag-aaral na mas mababa ang risk nila pagdating sa "ischaemic heart disease."
File

MANILA, Philippines — Ang sabi nila, galaw-galaw baka ma-istroke. Pero paano kung napatataas ng pag-iwas mo sa karne ang pagkakaroon nito?

"Vegetarians (including vegans) had higher risks of haemorrhagic and total stroke than meat eaters," sabi ng pag-aaral na inilabas ng The British Medical Journal kahapon, o ika-4 ng Setyembre, 2019 sa United Kingdom.

Nilahukan ang pag-aaral ng 48,188 katao edad 18 taong-gulang pataas, at hinati sa "meat eaters" (24,428), "fish eaters" (7,506) at "vegetarians" kasama ang vegans (16,254).

Tiniyak ng pag-aaral na walang kasaysayan ng ischaemic heart disease, stroke o angina ang sample population. Sinundan nila ang mga nabanggit sa loob ng 18 taon.

Sa panahong ito, 2,820 kaso ng ischaemic heat disease at 1,072 kaso ng total stroke ang naitala.

"[V]egetarians had 20% higher rates of total stroke... than meat eaters, equivalent to three more cases of total stroke... per 1000 population over 10 years, mostly due to a higher rate of haemorrhagic stroke," sabi ng pag-aaral.

Hindi nag-attenuate, o nabawasan, ang association sa stroke matapos i-adjust sa disease risk factors.

Ang kagulat-gulat na resulta ay lumabas kahit na napatunayan ang ilang health-risks kaugnay ng pagpapakasasa sa karne at benepisyo sa puso ng pagkakaron ng plant-based diet.

Kaugnayan sa mga naunang pag-aaral

Sa naunang study noong 1989, matatandaang nakita na ang pagkakaroon ng mababang cholesterol level, na promoproteka laban sa sakit sa puso, ay nagpapataas din ng stroke risk sa tao.

Ilang pag-aaral na rin sa Japan ang nagsasabing napatataas ng mababang intake ng animal products ang insidente at pagkamatay sa haemorrhagic at total stroke, at may posibleng mataas na risk din sa ischaemic stroke mortality.

Madalas din daw na mababa ang nutrients gaya ng B12, vitamin D, essential amino acids atbp. sa mga nasabing tao.

Ang mga nabanggit, na iniuugnay sa pagkain ng hayop, ay posibleng nakatutulong pansalag sa stroke.

Sakit sa puso mas kaonti sa vegans, vegetarians

Gayunpaman, lumalabas din sa parehong pag-aaral na mas mababa ang risk nila pagdating sa "ischaemic heart disease."

Matapos i-adjust sa "sociodemocraphic at lifestyle confounders" ang resulta, nakitang mas mababa ng 13% ang rate ng ischaematic heart disease sa mga vegetarian at kumakain ng isda kumpara sa meat eaters.

Dahil dito, mas mababa ng 10 kaso ang ischaemic heart disease sa mga vegetarian kumpara sa meat eaters kada 1,000 tao sa loob ng 10 taon.

Ayon sa co-author ng pag-aaral na si Tammy Tong, isang nutritional epidemiologist mula sa University of Oxford, magandang tignan ang dalawang salik na nabanggit bago husgahan ang pagkain o pag-iwas sa karne.

"The lower risk of heart disease does seem to outweigh the higher risk of stroke," sabi niya sa panayam ng Time Magazine.

"[S]troke is a much rarer event than heart disease."

DIET

HEART DISEASE

MEAT

STROKE

VEGANISM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with