^

Bansa

August inflation nasa 1.7%, pinakamabagal mula October 2016

James Relativo - Philstar.com
August inflation nasa 1.7%, pinakamabagal mula October 2016
Samantala, nanindigan naman ang Bayan Muna party-list na hindi mapakikinabangan ng milyun-milyong magsasaka ang mabagal na inflation rate kasunod ng pagsadsad ng farm-gate prices ng palay.
File

MANILA, Philippines — Naitala ang pinakamababang inflation rate sa loob ng tatlong taon noong nakaraang buwan, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority Huwebes.

Sa press briefing ng PSA, sinasabing nasa 1.7% ang headline inflation para sa buwan ng Agosto 2019.

"Eto ang pinakamababang inflation rate simula noong Oktubre 2016, kung kailan 1.8% lang ang inflation rate," sabi ng PSA sa isang tweet sa Inggles.

Kung ia-average ang inflation mula Enero hanggang Agosto, nasa 3% na ang year-to-date inflation sa ngayon.

Pasok pa rin ito sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2-4% para sa taong 2019 at 2020.

Sa 11 mayor na commodity groups, pinakanaka-impluwensya ang "restaurant and miscellaneos good and services" sa overall inflation, na nag-ambag  ng 24.5% sa overall inflation.

"Ang pagbagal ng inflation ngayong Agosto 2019 ay pangunahin dahil sa mabagal na taunang pagtaas sa index ng 'heavily weighted food' at 'di nakalalasing na inumin," sabi pa ng PSA.

Patuloy din na bumagal ang inflation sa National Capital Region sa tantos na 1.4%. Humupa rin ito sa Areas Outside the National Capital Region sa 1.8% noong nakaraang buwan.

Sa labas ng NCR, pinakamababa ang inflation sa Region IX (Zamboanga Peninsula) sa 0.5%. Sa mga AON, nanatili ang pinakamataas na annual rate sa MIMAROPA sa 4.6%.

"Ang kasalukuyang inflation outturn ay tumatalima sa pagtatasa ng BSP ng patuloy na pagbagal sa ikatlong kwarto ng 2019, na bibilis nang bahagya sa ika-apat na kwarto," ani BSP Governor Bejmanin Diokno.

Aniya, pasok ito sa forecast range ng central bank na 1.3 hanggang 2.1%, na primayang naaapektuhan daw ng mas mababang presyo ng bigas, kuryente at produktong petrolyo.

"Ang pagdami ng suplay ng pagkain kasabay ng mas mababang presyo ng langis ay nakaambag din sa magandang inflation environment," dagdag ni Diokno.

Patuloy naman daw nilang babantayan ang ekonomiya sa Pilipinas at ibayong dagat para mapanatiling sang-ayon ang monetary policy stance sa layunin ng BSP na maging stable ang mga presyo.

Low inflation 'walang silbi sa magsasaka'

Samantala, nanindigan naman ang Bayan Muna party-list na hindi mapakikinabangan ng milyun-milyong magsasaka ang mabagal na inflation rate kasunod ng pagsadsad ng farm-gate prices ng palay.

"Walang kwenta ang 1.7% inflation na ito dahil sa napakababang presyo ng palay bunsod ng malaking epekto ng maisabatas ang Rice Liberalization Law o ang Rice Tariffication Law," ani Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat.

Bagama't hangarin daw ng tarifficatiion law na mapababa ang presyo ng bigas, nananatiling ganun pa rin daw ang presyo nito sa palengke.

"Nawala pa nga ang NFA rice na nasa P27 kada kilo," dagdag ng Lumad na mambabatas.

Una nang sinabi ng mga magsasaka na P7-P8 kada kilo na lang ang presyo ng palay kapag binibili sa kanila, kahit na P12 kada kilo ang production cost nito.

Itinuturing nina Cullamat na "mahusay" ang mga local government units na direktang bumibili ng palay sa mga lokal na magsasaka, ngunit sana'y huwag naman daw baratin ang mga nagbubungkal.

Palugi na raw kasi ang mga magbubukid at pinag-iisipan nang ibenta ang kaprasong lupang natitira sa kanila sa pagkakabaon sa utang.

Payo pa ng mambabatas, ibalik din sa National Food Authority ang pagbili ng palay nang maibenta sa palengke at "'di napapataas ng kartel" ang presyo.

vuukle comment

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

BAYAN MUNA PARTY-LIST

BENJAMIN DIOKNO

FARMERS

INFLATION RATE

PALAY FARM-GATE PRICES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with