^

Bansa

'Writ of Kalikasan ibinasura kaugnay ng West Philippine Sea joint exploration'

James Relativo - Philstar.com
'Writ of Kalikasan ibinasura kaugnay ng West Philippine Sea joint exploration'
"[M]inamadali ang Philippine-China joint oil and gas exploration sa Recto Bank, na nakikita ng Tsina at ni Duterte na balakid sa plano nilang dambungin ang yamang-dagat natin," sabi ni Fernando Hicap, tagapangulo ng Pamalakaya Lunes.
The STAR/Val Rodriguez, File

MANILA, Philippines — Hindi na ikinagulat ng mga militanteng mangingisda ang pagkakabasura ng petisyon para sa Writ of Kalikasan Lunes, na proprotekta't magre-rehabilitate sana sa marine environment ng Scarborough Shoal (Panatag), Ayuhin Shoal at Panganiban Reef (Mischief), matapos diumano ng pananakot ng gobyerno.

"[M]inamadali ang Philippine-China joint oil and gas exploration sa Recto Bank, na nakikita ng Tsina at ni Duterte na balakid sa plano nilang dambungin ang yamang-dagat natin," sabi ni Fernando Hicap, tagapangulo ng Pamalakaya sa Inggles.

Lunes nang balewalain ng Kataas-taasang Hukuman ang plea matapos umatras ng mga petitioner sa kaso.

"[D]inismiss ang petisyon batay sa hiling ng petitioners na bawiin ang pirma nila sa petisyon, at batay sa mosyong inihain ng respondents," ani Brian Hosaka, tagapagsalita ng Korte Suprema.

Una nang sinabi ni Monico Abogado, na isa sa mga petitioners, na niloko lang sila para lumagda sa petisyong kontra sa pamahalaan. 

Matatandaang isiniwalat ni Chel Diokno, na collaborating counsel sa kaso, na kinausap ng abogado ng Navy ang mga petitioner kung kaya't binawi ng 19 mangingisda ang kanilang pirma.

"Tulad ng inaasahan, ito ang gusto ng gobyerno nang... pwersahin ng awtoridad ang mga mangingisdang petitioner na umatras sa kaso," dagdag ni Hicap.

Ika-3 ng Mayo nang maglabas ng Writ of Kalikasan ang korte para mapigilan ang paglabag sa mga environmental law ng Pilipinas sa mga katubigan ng Philippine EEZ.

Ayon sa mga petitioner, "walang ginagawa" ang gobyerno sa mga aktibidad ng mga Tsino sa nasabing lugar, bagay na labag daw sa Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna, Fisheries Code at Presidential Decree No. 1586.

"Hindi lang sa desisyon ng mga mangingisda nakaasa ang Writ of Kalikasan... ngunit sa political will ng gobyerno na angkinin at protektahan ang kung ano ang atin mula sa panghihimasok ng ibang bansa," ani Hicap.

Taong 2016 nang katigan ng Permanent Court of Arbitration ang Pilipinas sa claims sa West Philippine Sea kontra sa nine-dash line claim ng Tsina sa kalakhan ng South China Sea.

'Joint exploration'

Nobyembre taong 2018 nang pumirma sa isang memorandum of understanding ang Pilipinas at Tsina pagdating sa joint oil and gas development sa West Philippine Sea.

Matatandaang ding nagtungo si Duterte sa Tsina noong nakaraang linggo para sa isang bilateral talks kay Chinese President Xi Jinping.

Ilan sa mga napag-usapan nila ang nasabing joint exploration, na planong gawin sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Nakikita ngayon ang Service Contract 57 sa may hilahangkanlurang Palawan at SC 72 sa Recto Bank bilang posibleng pagdausan ng joint exploration.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sto. Romana, importanteng mapirmahan na ang kasunduan sa Tsina dahil malapit na raw maubusan ang Malampaya natural gas field sa Palawan.

"Maaapektuhan nito ang suplay natin ng kuryente kung kaya't nagmamadali si presidente [Duterte] na mapausad ang proseso," ani Sto. Romana.

JOINT OIL AND GAS EXPLORATION

PAMALAKAYA

WEST PHILIPPINE SEA

WRIT OF KALIKASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with