^

Bansa

Probe sa dayuhang courier services hingi

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Paiimbestigahan ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza, ang umano’y mga foreign ‘colorum” courier services na nag­lalagay sa alanganin ng buhay ng mga Filipino at mga cargo.

Sinabi ni Atienza sa isang forum sa Quezon City na ang e-commerce at courier industry ay mabilis ang paglago kaya kailangan na protektahan ang consumers at mga gumagamit ng mga produktong inoorder online at dini-deliver sa kanilang mga bahay at opisina.

Ginawa ng kongresista ang pahayag bilang reaksyon sa mga ulat na dumarami ang reklamo sa social media kaugnay sa mga illegimate courier services na nambibiktima ng mga Pinoy na umoorder sa pamamagitan ng internet at dini-deliver ng mga colorum na commerce agencies at courier services.

Paliwanag pa niya na ang industriyang ito ay umaabot na sa P36 bilyon kaya kailangan na itong iregulate lalo na at 67 Filipinos na ang gumagamit ng internet.

Kamakailan lang ay napaulat na isang drug packages ang idineliber sa pamamagitan ng courier services kung saan iniulat ng isang Grab driver ang modus ng drug traffickers matapos itong tumangging buksan ang package na idi-deliver sana niya.

Dahil dito kaya isinumbong ng Grab driver sa pulisya ang nadiskubreng package na naglalaman ng droga.

Gayundin ang nangyari sa isang TNVS driver na nahuli habang nagde-deliver ng isang drug package at ang pagsabog sa Quiapo noong May 2017 na nadiskubre na ang package ay pina­dala sa isang Grab driver para sa isang consignee.

COURIER SERVICES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with