^

Bansa

Digong pakakainin ng pera ang masisibang government officials

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Digong pakakainin ng pera ang masisibang government officials
Nangako si Pangulong Duterte sa mga Chinese investors na didi­siplinahin ang mga nasa gobyerno at nakahanda siyang paka­inin ng barya ang mga matatakaw na opisyal ng pamahalaan.
File

MANILA, Philippines — Nangako si Pangulong Duterte sa mga Chinese investors na didi­siplinahin ang mga nasa gobyerno at nakahanda siyang paka­inin ng barya ang mga matatakaw na opisyal ng pamahalaan.

Sa isang business forum sa Beijing, China, tiniyak ng Pangulo na hindi niya papayagan ang korapsiyon sa kanyang administrasyon.

Sabi ng Pangulo na dapat lamang na ipara­ting sa kanya kung sino ang mga ahente at abogado na manghihingi sa mga businessmen ng pera upang maipatawag ang mga ito at sa kanilang harapan ay pakakainin niya ng lumang pera at barya.

Hindi anya siya nagbibiro at ilang beses na rin niya itong nagawa at patuloy na gagawin hanggang hindi tumitino ang mga nasa gobyerno.

Inamin ng Pangulo na ilang mamumuhunan ang nagdadalawang isip na mag-invest sa Pilipinas dahil sa isyu ng peace and order at ng katiwalian. 

Hindi aniya papayag ang Pangulo na mana­ig ang korapsiyon o maistorbo ang negosyo ng mga magtutungo sa Pilipinas.

Ibinida rin ng Pangu­lo na pinaigsi na niya ang proseso sa pagkuha ng mga permit sa loob ng dalawang araw.

Tiniyak din niya sa mga investors na makukuha nila ang kanilang “return of investments” at hindi rin magkakaroon ng problema sakaling kailangan nilang ialis ang negosyo sa Pilipinas. 

vuukle comment

GOVERNMENT OFFICIALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with