Mandatory ‘neutral desks’ pirmado na ni Duterte
MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang batas na nag-uutos sa mga paaralan na magkaroon ng neutral desk o arm chairs para sa mga estudyanteng right-handed at left-handed.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11394, sa unang taon ng implementasyon ng batas, dapat magkaroon na agad ang bawat paaralan ng neutral desks na katumbas ng 10 porsyento ng populasyon ng kanilang mga estudyante.
Saklaw ng batas ang lahat ng educational institutions, pribado o pampubliko mang mga paaralan.
Noong Agosto 22, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang nasabing panukalang batas at nakatakda itong maging epektibo 15 araw matapos ang official publication.
- Latest