^

Bansa

Clemency para sa babaeng convict lang - Locsin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kung si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin ang tatanungin, nais niya na mga babaeng convict lamang ang ma­bigyan ng “clemency” o mapalaya ng pamahalaan.

Ito ang reaksyon ng kalihim sa kanyang Twitter post ukol sa isyu ng pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez base sa “Good Conduct Time Allowance (GCTA)” na ina­prubahan noong 2013.

“F... that.  They should all rot in their cells. Only women should get clemency,” ayon kay Locsin.

Kinontra rin ni Locsin ang komento ni Sen. Leila de Lima na nagsabing isang “propaganda blitz” ang isyu kay Sanchez para isulong ang pagpapasa sa batas sa parusang kamatayan.

Iginiit ni Locsin na ang pagpapalutang ng GCTA law ay para pabilisin lang ang pagpapalaya sa da­ting alkalde na nahatulan ng pitong habambuhay na pagkakulong sa panggagahasa at pagpaslang kay Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993.

“No.  It was meant to railroad his release and present a fait accompli,” punto ni Locsin.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi kuwalipikado si Sanchez na mapalaya sa GCTA law dahil sa kinakaharap niyang mga “heinous crimes.”

 

LOCSIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with