^

Bansa

Unang vape death naitala sa Amerika

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Unang vape death naitala sa Amerika
Ayon sa Illinois Department of Public Health, ang pasyente ay naospital matapos magkasakit dahil sa vape pero hindi inilabas ang pangalan, edad, eksaktong araw ng kamatayan at kung taga-saan.
Wikimedia Commons/Lindsay Fox

MANILA, Philippines — Isang pasyenteng naiulat na nagkaroon ng sakit sa baga dahil sa paggamit ng vape ang ikinokonsiderang kauna-unahang pagkamatay sa Amerika gamit ang alternatibong uri ng paninigarilyo na tinatawag na vape o e-cigarette. 

Ayon sa Illinois Department of Public Health, ang pasyente ay naospital matapos magkasakit dahil sa vape pero hindi inilabas ang pangalan, edad, eksaktong araw ng kamatayan at kung taga-saan.

Napaulat na sinabi ng mga opisyal ng Centers for Disease Control and Prevention noong Biyernes na nasa 193 katao sa 22 states ang mayroon ng malubhang sakit sa respiratory dahil sa vaping.

Karamihan umano sa mga nagkasakit ay mga teenagers o adults na gumagamit ng electronic cigarette o ibang uri ng vaping device.

Pinaniniwalaan na ang electronic cigarettes ay mas ligtas sa kalusugan kumpara sa regular na sigarilyo pero nagbabala na ang mga health officials na delikado ito lalo na sa mga gumagamit na kabataan.

Natuklasan na ang ilang produkto ay may mga delikadong sangkap kabilang ang mga flavoring chemicals at oils.

Matatandaan na nagbabala noong nakaraang taon ang mga opisyal ng Department of Health laban sa paggamit ng vape o e-cigarette matapos masabugan ang isang 17-taong gulang na lalaki.

VAPE DEATH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with