^

Bansa

LGBTQ Commission pinag-aaralan ni Digong - Go

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
LGBTQ Commission pinag-aaralan ni Digong - Go
Si Sen. Go ang namagitan upang maki­pagpulong ang LGBTQ advocates sa pangu­nguna ni Boobsie Savares kasama si 1st District of Bataan Rep. Geraldine Roman at Gretchen Diez, ang transwoman na pinagbawalang gumamit ng female CR sa isang mall sa Quezon City.
File

MANILA, Philippines – Commission upang mai-promote at maprotektahan ang kapakanan ng nasabing hanay.

Siniguro din ni Sen. Go na suportado ni Pa­ngulong Duterte ang LGBTQ community matapos makipagpulong ito sa LGBTQ advocates sa Malacañang.

Si Sen. Go ang namagitan upang maki­pagpulong ang LGBTQ advocates sa pangu­nguna ni Boobsie Savares kasama si 1st District of Bataan Rep. Geraldine Roman at Gretchen Diez, ang transwoman na pinagbawalang gumamit ng female CR sa isang mall sa Quezon City.

Ipinabatid ng Pangulo sa nasabing sector na isusulong nito sa Kongreso na maaprubahan ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equa­lity Bill na magbibigay proteksyon sa karapatan ng bawat indibidwal na walang diskriminasyon.

Kabilang din sa na­pag-usapan ang panukalang bumuo ng isang commission para sa LGBTQ habang hindi pa nakakapasa ang SOGIE law.

Pabor din ang Pa­ngulo na magkaroon ng 3rd CR na para lamang sa mga LGBTQ community upang hindi na maulit ang nangyari kay Diez.

 “We are all equal under the law and it is our duty in this institution to ensure that all Filipinos—regardless of their age, sex, religion, ethnicity or gender orientation—are treated equally and justly,” wika ni Go. Rudy Andal

GRETCHEN DIEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with