Bagong HIV cases aabot sa 12,000
MANILA, Philippines — Posible umanong umabot sa 12,000 ang mga bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa hanggang sa pagtatapos ng taong 2019.
Ito ang ipinahayag na pagkaalarma kahapon ni Bohol 3rd District Rep.Alexei Besas Tutor.
Ayon kay Tutor, Vice Chairman ng House Committee on Health, mula Abril ng taong ito, isa hanggang limang Pilipino ang nagpositibo sa HIV test na malala na ang impeksyon.
Dahil dito, ayon sa kongresista, ay kailangan ng higit pang agresibong kampanya sa kaalaman sa HIV sa mga komunidad at maging sa mga opisina.
“Inaasahan ang 12,000 bagong kaso kapag naiposte na ang datos sa buwan ng Disyembre,” dagdag ng mambabatas.
- Latest