^

Bansa

LTO gumastos ng higit P3M sa cellphones, load

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
LTO gumastos ng higit P3M sa cellphones, load
Sa annual audit report ng Department of Transportation (DOTr) kung saan attached agency ang LTO, nakasaad dito na P3.98M ang ginamit sa pagbili ng mga cellphones habang ang iba ay ginamit sa prepaid load.
File

MANILA, Philippines — Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang mga branch ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region (NCR) at Region 4A dahil sa paggastos ng mahigit sa P3 milyon para pambili ng mamahaling mobile phones at sobra-sobrang prepaid load.

Sa annual audit report ng Department of Transportation (DOTr) kung saan attached agency ang LTO, nakasaad dito na P3.98M ang ginamit sa pagbili ng mga cellphones habang ang iba ay ginamit sa prepaid load.

Sa ilalim ng COA circular 2012-003 ikinokonsidera itong sobra-sobra at hindi dapat sa paggamit ng pondo o resources ng gobyerno.

Ayon sa COA, ang P649,000 halaga umano ng monthly cellphone cards allowances ay maikokonsiderang may iregularidad dahil hindi ito aprubado ng Civil Service Commission (CSC) Regional Office.

Dahil dito kaya binalaan ng COA ang LTO laban sa pagbili ng high-end at mamahaling cellular phones or gadgets maliban na lamang kung mabibigyan ng katwiran ang mga pangyayari.

Dapat din umanong limitahan ng LTO ang pag-iisyu ng cellphone sa mga kwalipikadong opisyal at empleyado na hindi bababa sa Division Chief rank at inaatasan din ng state auditor ang mga concerned officials at employees na ibalik ang mga sobrang unit ng cellphones at gadgets.

Ipinabibigay ng COA sa ibang kwalipikadong empleyado at opisyal ang mga cellphones na kailangan sa kanilang mga trabaho.

LOAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with