^

Bansa

De Lima pinayagang bisitahin sa Bikol ang inang kritikal

James Relativo - Philstar.com
De Lima pinayagang bisitahin sa Bikol ang inang kritikal
Sa kanyang mosyon, sinabi ng nakapiit na senadora na maaari nang pumanaw anumang oras ang kanyang ina dahil hindi na makapagreseta ng dagdag na gamot ang mga doktor bunsod ng edad at napakahinang kondisyon.
Released

MANILA, Philippines — Pinahintulutan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 at 265 ang hiling na "furlough" ni Sen. Leila de Lima para mabisita ang inang may karamdaman na nasa Camarines Sur.

"The accused is allowed to go on furlough for a maximum period of forety-eight hours including travel time from August 14 to 15, 2019 but must return on or before August 2019," ayon sa dalawang magkahiwalay na order na nilagdaan ni presiding judge Liezel Aquiatan.

Ganito rin ang naging desisyon ni Gener Gito na dumidinig pa ng isa niyang kaso.

Sa kanyang mosyon, sinabi ng nakapiit na senadora na maaari nang pumanaw anumang oras ang kanyang ina dahil hindi na makapagreseta ng dagdag na gamot ang mga doktor bunsod ng edad at napakahinang kondisyon.

"This resolves the very urgent motion for furlough of accused Leila M. De Lima praying that she may be allowed to see her ailing 86-year old mother, Mrs. Norma Magistrado De Lima at the latter's place of confinement on August 15, 2019 or as soon as possible," sabi ng order.

Ika-9 ng Agosto nang ilipat sa NICC Doctor's Hospital sa Naga City ang kanyang ina, ayon sa clinical abstract na kanyang ibinigay.

Bibiyahe si De Lima na bumiyahe sa pamamagitan ng eroplano kasama ang kanyang police security, sa ospital o sa kanilang bahay sa Brgy. San Agustin sa Iriga City, depende kung nasaan ang kanyang ina.

Lahat ng gastos sa kanyang biyahe ay kinakailangang saluhin ni De Lima. Bantay sarado rin sa kanya ang mga kawani ng Philippine National Police.

Kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si De Lima dahil sa mga diumano'y paglabag sa Comprehensive Dangerous Durgs Act of 2002.

Mga ipagbabawal

Maliban sa limitadong oras ng pagtungo sa Camarines Sur, sinabi rin ni Aquiatan na hindi maaaring lumagpas sa walong oras ang kanyang paglagi sa ospital.

Bawal din ang mga "side trip" patungo sa ibang lugar, at tanging pagbisita lang sa ina ang papayagan.

Pagbabawalan din ng korte ang media na mag-coverhabang siya ay naroon.

Kapareho lang din ang naging kautusan ni Gito, ngunit idinagdag na tanging "immediate family" at security escorts lang niya ang maaaring pumasok sa silid ng ospital o bahay para na rin sa kanyang kaligtasan.

Pagbabawalan din ang presensya ng sinumang political personality sa kabuuan ng kanyang pagbiyahe at pagbalik sa detention facility.

vuukle comment

FURLOUGH

LEILA DE LIMA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with