Murang Kuryente law nilagdaan ni Digong
MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11371 o Murang Kuryente Act para mapababa ang singil sa kuryente ng mga Filipino.
Sa ilalim ng RA 11371, isang bahagi ng Malampaya fund ang ipambabayad sa utang ng National Power Corporation na naunang ipinapasa sa mga konsyumer bilang universal charges.
Itinatadhana sa batas na P208 bilyon mula sa sosyo ng pamahalaan sa Malampaya fund ang gagamitin sa pagbabayad sa mga stranded debts at stranded contract costs ng Napocor.
Pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act 11371 noong August 8 na ang kopya ay ipinalabas kahapon ni Sen. Sherwin Gatchalian na kanyang inisponsor sa Senado.
Sinabi ni Gatchalian na ang mga kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan ay makakaasa ng bawas na P172 sa kanilang electric bill.
- Latest