^

Bansa

Tsinong namatay sa Las Piñas bigyang hustisya, sabi ng DFA

James Relativo - Philstar.com
Tsinong namatay sa Las Piñas bigyang hustisya, sabi ng DFA
Aniya, kung hindi raw kasi mapipigilan ang pagpatay sa mga Tsino ay maaaring mailagay ang mga overseas Filipino workers sa Tsina sa panganib.
Presidential Photo, File

MANILA, Philippines — Iginiit ng Department of Foreign Affairs na dapat bigyang katarungan ang Tsinong nasawi sa Las Piñas, mapa-sindikato pa man ang nasa likod nito o hindi.

Biyernes nang mahulog sa ikaanim na palapag ang isang nakaposas na Chinese national na habang tumatakas diumano sa kanyang employer.

Nang tanungin si Teodoro Locsin Jr., kalihim ng DFA, kung triad—isang tipo ng sindikato na galing Tsina—ang nasa likod ng pagpatay, ito ang kanyang sinabi: "Walang pinagkaiba kung sino ang pumatay, may nangyaring pagpatay dito. Ang obligasyon natin ay magbigay ng agarang hustisiya," ani Locsin sa Inggles. 

Aniya, kung hindi raw kasi mapipigilan ang pagpatay sa mga Tsino ay maaaring mailagay ang mga overseas Filipino workers sa Tsina sa panganib.

"Kung hahayaan nating masaktan ang mga Chinese nationals, ang mga Pilipino ang magdurusa. Ipadala na lang 'yung mga dilawan sa Tsina kapag nagsimula ang mga anti-Filipino riots para hindi madamay ang mga nagtratrabahong Pinoy doon," dagdag ni Locsin.

Dagdag pa ng DFA, maaaring hayaan ang Tsina na magpadala ng sarili nilang mga imbestigador sa bansa, alinsunod sa "international practice," kung hindi ito malutas ng Pilipinas.

'Pang-aabuso' sa mga Tsino

Nagpasalamat naman kahapon ang Embahada ng Tsina sa Maynila sa pangako ni presidential spokesperson Salvador Panelo na iimbestigahan ang krimen.

"Ikinatutuwa ng Embahada ng Tsina ang panawagan ng Palasyo na maitigil na ang mga iligal na gawain, at kanilang pangakong proprotektahan ang mga mamamayang Tsino sa Pilipinas," ayon sa 

Matatandaang sinabi ni Panelo na hindi kukunsintihin ng gobyerno ng Pilipinas na maabuso ang sinumang dayuhan sa Pilipinas.

In-engganyo rin niya ang mga manggagawang Tsino sa Pilipinas na magsumbong sa mga otoridad kung sila'y aabusuhin ng mga employer.

"Imumungkahi ko sa kanila na maghain sila ng formal complaint para maiangat ang isyu sa mga akmang ahensya ng gobyerno," sabi ng tagapagsalita ng presidente.

Isyu ng POGO

Nitong Huwebes, sinabi ng Embahada ng Tsina na nababahala sila sa plano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na ilipat sa mga "self-contained communities" ang mga Tsinong nagtratrabaho sa mga pasugalan sa bansa.

Maaari raw kasing matapakan ang mga karapatan ng mga nasabing dayuhan, na madalas maakit diumano sa pagtratrabaho sa mga casino at Philippine Offshore Gaming Operations.

Ang pagsusugal ay hindi pinahihintulutan ng gobyerno ng Tsina.

"Marami sa mga Chinese citizens na iligal na nagtratrabaho sa mga Philippine casinos o mga POGO at iba pang mga gambling entities ay isinasailalim sa 'panibagong pang-aalipin' dahil sa labis na paglilimita sa kanilang mga kalayaan," sabi pa ng embahada.

Pero depensa ng PAGCOR, lilikhain ang mga POGO hub para na rin sa proteksyon ng mga Tsino.

Plano kasing ibahay sa mga nasabing "hubs" ang mahigit 138,000 Tsinong nagtratrabaho sa mga POGO.

"Na-conceptualize ang mga hub na ito para tugunan at lutasin ang mga problemang natanggap ng PAGCOR management sa loob ng dalawang taon simula nang i-regula nito ang offshore gaming industry," ayon kay PAGCOR chair Andrea Domingo nitong Biyernes.

Ilan sa mga reklamo ay ang mga "substandard" na working environment at panirahan ng mga nasabing manggagawa.

CHINESE EMBASSY

CHINESE NATIONAL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

TEODORO LOCSIN

TRIAD

WORKER ABUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with