Digong kinampihan sa ‘militarisasyon’ sa gobyerno
MANILA, Philippines — Nakahanap ng kakampi sa Kamara si Pangulong Duterte sa gitna ng pambabatikos dito dahil sa umano’y militarisasyon sa gobyerno.
Sinabi ni Cebu Rep. Eduardo Gullas na wala siyang nakikitang masama sa pagtatalaga ng Pangulo ng mga retiradong heneral sa mga posisyon sa gobyerno lalo na ang mga PMAer.
Paliwanag ni Gullas, sibilyan na rin naman ang mga retiradong heneral dahil wala na sila sa military service.
Hindi na rin umano bago ito dahil maging ang mga dating Presidente ay naglagay rin ng mga datihang opisyal ng militar sa kanilang gabinete.
Iginiit rin ni Gullas na sa Amerika ay nagsisilbi sa gobyerno at sa pribadong sektor bilang administrators ang West Point alumni.
Matatandaan na pinakahuling ex-military official na in-appoint ni Duterte si retired Maj. Gen. Emmanuel Salamat, bilang miyembro ng board ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS.
- Latest