Timbangan sa NAIA tiniyak na sinusuri
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa publiko na ang mga timbangan ng mga check-in counters sa lahat ng mga terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay kina-calibrate at sinisiyasat araw-araw bago ito gamitin ng unang paalis na flight.
“Ang paulit-ulit na mga post sa social media na naglalarawan na hindi wasto ang mga timbangan sa check-in counters ay lubos na nakakasira sa kanilang imahe,” sabi ni Monreal.
Ipinaliwanag ni Monreal, na ang mga timbangan ay sinisiyasat araw-araw gamit ang mga test weights.
Ayon pa kay Monreal, ang ilang mga airlines ay patuloy na nagde-deploy ng kanilang sariling mga timbangan sa check-in area na maaaring sanhi ng mga reklamo ng mga pasahero na nagsasabing magkaka-iba ang lumalabas na timbang ng kanilang mga bagahe.
- Latest