^

Bansa

Hanna patuloy ang paglakas habang palabas ng PAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglakas ng bagyong Hanna habang ito ay palabas ng bansa.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, si Hanna ay na­mataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa layong 490 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes at patuloy ang pagkilos pahilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Taglay ni Hanna ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kph at pagbugso na 230 kph.

Nananatiling nakataas ang signal no.1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands. Ang bagyong Hanna ay inaasahang lalabas sa bansa ngayon.

Gayunman, patuloy na nagbabanta ang isang Low Pressure Area na namataan sa layong 180 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Dagupan City, Panga­sinan. Hindi ito magiging bagyo at inaasahang malulusaw na lamang sa susunod na 24 hangang 48 na oras.

Hindi na rin makakaapekto sa bansa ang bag­yong “Krosa” na nasa labas ng ating bansa. Hindi ito inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Dahil dito, inaasahang gaganda na ang kundisyon ng panahon sa araw ng Linggo.

TYPHOON HANNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with