^

Bansa

Visa upon arrival sa Chinese ipinatigil

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Visa upon arrival sa Chinese ipinatigil
Ito’y matapos apru­bahan ni Pa­ngulong Du­terte ang panukala ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na dapat kumuha muna ng Philippine visa ang mga Chinese national bago makapasok sa bansa.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Hindi na uubra ang “visa upon arrival” sa mga Chinese tourists sa bansa.

Ito’y matapos apru­bahan ni Pa­ngulong Du­terte ang panukala ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na dapat kumuha muna ng Philippine visa ang mga Chinese national bago makapasok sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi na papayagan ang nakasanayang visa upon arrival sa gitna na rin ng mga agam-agam sa pagdami ng mga Chinese tourists at workers na nakakapasok ng bansa.

Magugunita na na­alarma si National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pagdagsa ng mga Chinese tourists sa bansa na ipinapalagay niyang security risk.

Kasabay nito, inapru­bahan din ni Pangulong Duterte ang panukala na itatak sa passport ng mga Chinese ang Philippine visa na may mapa ng Pilipinas kasama ng mga isla sa South China Sea na inaangkin ng China.

Sa kasalukuyan, ang Philippine visa ay itinatatak sa isang hiwalay na application form ng mga Chinese national na pumapasok sa bansa bilang anyo ng protesta sa 9-dash claim ng China. Isa itong mapa na inililimbag sa kanilang mga passport.

CHINESE TOURISTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with