Buwis sa alak itataas
MANILA, Philippines — Matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng tax sa sigarilyo, isusunod naman ng Senado na itaas ang buwis sa alak sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa Republic Act No. 8424 o National Internal Revenue Code of 1997.
Sa Senate Bill No. 383 na inihain ni Senator Emmanuel Pacquiao sinabi niya na mabuti ang naidulot sa fiscal at public health ng Sin Tax Reform Law o Republic Act 10351 na naging batas noong Disyembre 2012 dahil naitama ang “long-standing weaknesses” ng excise tax system sa tobacco at alcohol kung saan itinaas ang rates at nabawasan ang demand ng alak at sigarilyo.
Layunin ng panukala ni Pacquiao na itaas ang tax sa alak para maging magkapantay ang 40-60% sharing ng alcohol at tobacco expenditure.
Pinuna rin ni Pacquiao na, kahit pa itinaas ang rates para sa alcohol products na ipinatupad noong 2013, hindi ito sapat para mabawasan ang konsumo ng alcohol.
Ipinunto rin ni Pacquiao na ang pag-inom ng alak ay nagiging sanhi ng drunk driving at domestic violence.
Ang sobrang pag-inom rin ng alak ay nagiging sanhi ng maraming sakit katulad ng cirrhosis o liver damage at pancreatitis.
- Latest