Digong bibisita sa China
MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Malacañang na bibisita si Pangulong Duterte sa China ngayong Agosto.
“Visit is confirmed this August but no exact dates yet,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Sinabi ni Panelo na magkakaroon ng working visit si Pangulong Duterte sa kanyang ikalimang pagbisita sa China.
Posible ring magkaroon ng bilateral talks ang Pangulo kay Chinese President Xi Jinping. Kabilang sa agenda ang ukol sa isyu sa South China Sea.
“Maybe all issues, including what have been discussed before on trade relations, cultural exchanges, people-to-people [relations], the help they have given, and the assistance we need,” dagdag nito.
Sa hiwalay na panayam naman kay Sen. Bong Go, posibleng manuod din ng laro ng Gilas Pilipinas ang Pangulo sa 2019 Fiba Basketball World Cup sa China na nakatakda mula August 31 hanggang September 15.
“Maybe towards the end of August. He also plans to watch the Fiba World [Cup]. It’s a rare opportunity for the President to watch [them],” dagdag pa ni Go.
- Latest