^

Bansa

8 patay, 60 sugatan sa Batanes quake

Joy Cantos, Angie dela Cruz, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
8 patay, 60 sugatan sa Batanes quake
Nadurog ang bahay na ito sa Itbayat, Batanes matapos yanigin ng magkasunod na lindol ang lugar kahapon.
Kuha ng Itbayat PNP

MANILA, Philippines — Niyanig ng magkasunod na lindol ang Batanes simula madaling araw nitong Sabado hanggang kinaumagahan na nagdulot ng walo kataong patay, 60 sugatan at matinding pinsala sa mga kabahayan at istruktura.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, inaasahang aakyat pa ang bilang kapag nagsimula na ang search and rescue operations. 

Ayon sa Phivolcs, nag­simula ang pagyanig bandang 4:16 ng mada­ling araw na naitala sa magnitude 5.4 sa bayan ng Itbayat, Batanes.

Sinundan ito ng isa pang magnitude 3.2 makalipas ang 1 oras, bago nai­tala ang “main shock” na pumalo sa magnitude 5.9 bandang alas-7 ng umaga. 

Wala namang itinaas na Tsunami alert matapos ang intensity 7 na tectonic earthquake, dagdag ng Philvocs.

Sa report ng Batanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at Police Regional Police Office (PRO) kabilang sa mga nasawi sina Fiona Valiente, 10; Haisly Naquita, 5-day old; Eva Valiente, 19; Mary Rose Valiente, 13; Tito Asa, 88; Teresita Gulaga, 73; Fausta Caan, 73 at Jenward Hina, 31. Ang bangkay ng mga biktima ay pawang narekober mula sa gumuhong gusali.

Nabatid kay Batanes Disaster Risk Reduction Management Officer Cesar Esdicul na karamihan sa mga napinsala at namatay ay nasa kasarapan pa ng tulog nang bagsakan ng mga gumuhong pader na gawa sa limestone.

Karamihan sa mga bahay sa Batanes ay ubod na ng luma at gawa sa bato, dagdag ni Esdicul.

Pinutol naman ang suplay ng kuryente sa bayan para sa kaligtasan ng mga residente. 

Ayon kay Batanes Gov. Marilou Cayco, nagsasagawa na sila ng rescue operations sa Itbayat. 

Helicopter anila ang gamit nila sa paglilipat ng mga rescue personnel sa pangambang magkaroon ng tsunami sa lugar. 

BATANES QUAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with