^

Bansa

Pag-veto ni Duterte ng 'End Endo' bill: 3 posibleng rason

James Relativo - Philstar.com
Pag-veto ni Duterte ng 'End Endo' bill: 3 posibleng rason
Narito ang mga posibleng dahilan batay sa mga naunang rekomendasyon ng mga business groups at National Economic and Development Authority sa Palasyo. 
Josue Isai Ramos Figueroa via Unsplash

MANILA, Philippines — Tuluyan nang vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure and End of Endo Act of 2018 isang araw bago ito mag-"lapse into law" at maging batas.

Babalik ito sa Kongreso para maamyemdahan ng mga mambabatas, o maaaring maghain ng panibagong panukalang batas na kahalintulad nito para sa 18th Congress, sabi ni presidential Salvador Panelo kahapon.

Kahit nais daw ni Duterte na madagdagan ang sweldo ng mga government workers, kapansin-pansin din na wala sa State of the Nation Address ng pangulo nitong Lunes ang isyu ng kontraktwalisasyon.

"I stand by my firm commitment to protect the workers' right to security of tenure by eradicating all forms of abusive employment practices," sabi ni Duterte sa kanyang veto message na inilabas ngayong umaga.

(Naninindigan ako na na dapat maprotektahan ang karapatan ng mga manggagawa sa kapanatagan sa trabaho sa pagbaka ng mga abusadong gawi sa empleyo.)

Pero bakit kaya ito hindi nilagdaan ng presidente kahit na dati niya itong sinertipikahan bilang "urgent"?

Narito ang mga posibleng dahilan batay sa mga naunang rekomendasyon ng mga business groups at National Economic and Development Authority sa Palasyo.

1. Pamumuhunan 'maitataboy'

Nitong Miyerkules, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary and NEDA chief Ernesto Pernia na dapat mabago nang kaonti ang ilang probisyon nito sa isinumite nilang komento sa panukala.

Pangamba ng NEDA, maaaring hindi na maengganyo ang mga negosyante na maglagak ng investment sa bansa kung maipapasa ito sa kasalukuyang porma.

"It has to benefit not only the workers, but also the employers," ani Pernia.

(Hindi lang mga manggagawa ang dapat makinabang dito, ngunit pati ang mga kumukuha ng trabahante.)

Bago magsara ang 2018, bumaba ng 4.4% ang foreign direct investment, o banyagang pamumuhunan, sa bansa — $9.8 bilyon mula sa $10.3 bilyon noong 2017.

Mas mababa ito sa $10.4 bilyong target ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa taong 'yon.

2. Bilang ng trabaho 'maaapektuhan'

Kaugnay ng nabanggit sa taas, sinabi rin ng NEDA maaapektuhan ang bilang ng mga trabaho sa bansa oras na ma-deter ang pamumuhunan.

"[I]f you want jobs to be available, you need investments," banggit ni Pernia sa parehong briefing.

(Kung gusto mo na merong trabaho [sa merkado], kakailanganin mo ang pamumuhunan.)

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumaas ang labor force mula 71.02 milyon patungong 72.54 milyon sa parehong buwan mula 2018.

"We have a very high labor force growth. We really have to keep up with so many workers coming on stream," dagdag ni Pernia.

(Mabilis ang pagdami ng labor force natin. Kailangan nating makasunod sa pagdami nila sa merkado.)

Ayon din sa ilang business groups, maaaring tanggalin sa trabaho ang ilang ineempleyong "low-skilled jobs" sa pamamagitan ng mga ahensya at mapalitan ng automation at artificial intelligence.

Posibleng ilipat din daw sa mga ibang bansang mas "investor-friendly" ang mga trabahong kasalukuyang nasa Pilipinas.

Enero nang sabihin ng IBON Foundation na pinakamababa ang job generation sa ilalim ni Duterte mula nang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Pero imbis na mag-focus sa pag-akit ng foreign investors, nanindigan ang IBON na dapat protektahan ang domestic agriculture at Filipino industry para mag-"stimulate" ng job creation.

3. Isyu ng job contracting

Sa kanyang veto message, ipinaliwanag ni Duterte na pinalalawak nito ang pakahulugan ng labor-only contracting, na dati nang ipinagbabawal nang batas.

Pagbabawalan daw kasi nito ang ilang uri ng kontraktwalisasyon na "hindi naman nakasasama sa mga empleyadong nabanggit."

"Businesses should be allowed to determine whether they should outsource certain activities or not, especially when job-contracting will result in economy and efficiency in their operations, with no detriment to the workers, regard of whether this is directly related to their business," ani Duterte.

(Dapat hayaan ang mga negosyong itakda kung kukuha sa ng manggagawa mula sa ibang lugar para sa ilang aktibidad, lalo na kung magreresulta ito sa mas episyenteng operasyon at ekonomiya, nang hindi nakaaargabyado sa trabahante, kahit na may kaugnayan ito sa kanilang negosyo.)

Dapat daw ay hayaan ang mga lehitimong job contracting basta't sapat ang kapital ng mga contractor.

Swak ang sinasabi ni Duterte sa angal ng ilang business groups noong nakaraang linggo.

"Job contracting as an exercise of management prerogative and business judgment is anchored on two constitutional rights: right and freedom to contract and right to property," sabi ng 11 grupo sa isang statement.

(Karapatan ng management at negosyo ang pangongontrata ng trabaho na naka-angkla sa dalawang constitutional rights: ang karapatan sa pangongontrata at karapatan sa pagmamay-ari.)

Bagama't sinasabi nila ang mga ito, 1997 pa lang ay pinagbabawalan na ng DOLE Department Order 10 ang mga contractor na mag-supply ng mga manggagawang nagsasagawa ng mga aktibidad na may "direktang kaugnayan" sa negosyo ng principal. Porma raw ito ng labor-only contracting.

Bagama't ni-revoke ang DO 10 noong 2001, ipinagbabawal pa rin ito magpasa hanggang ngayon sa bisa ng DO 18-02 noong 2002.

 

'Pinalabnaw' na panukala

Ayon naman sa mga labor groups, kahit na maipasa ang panukala sa kasalukuyan nitong porma ay malayo ito sa ultimo nilang nais.

"The proposal is far from labor's demand to abolish trilateral work arrangements, which is the basis for the anti-worker scheme of contractualization," sabi ni Leody de Guzman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino.

(Malayo ang panukala sa nais ng manggagawa na buwagin ang mga trilateral work arrangements, na basihan ng anti-manggagawang kontraktwalisasyon.)

Aniya, marami pa itong butas lalo na't regulasyon lang ng kontraktwalisasyon ang gusto nito at hindi pagbabawal.

"It may place harsher penalties to erring employers. But if it maintains the legality of a scheme for cheap and docile workers, we may have a law that swears to the innocence of all principal and contractors in trilateral work schemes," ani De Guzman.

(Maaaring magpataw ito ng mas malalang parusa sa mga lalabag na employer. Pero dahil patuloy pa rin ang pagsasaligal nito sa murang lakas paggawa, maaaring panindigan lang nito na inosente ang mga principal at contractor sa mga trilateral work schemes.)

Maliban sa sinabi ng mga labor groups, sinabi rin ng mga negosyante na hindi prinoprotektahan ng panukalang batas ang mga kontraktwal na manggagawa ng gobyerno sa ilalim ng sistemang "job-order."

CONTRACUALIZATION

ENDO

LABOR ISSUES

RODRIGO DUTERTE

SECURITY OF TENURE BILL

VETO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with