Investors aakitin sa mga insentibo ng TRABAHO bill
MANILA, Philippines — Inaasahang ipapasa agad ng Kongreso ang ikalawang ‘tax reform package’ ng administrasyong Duterte, ang “Tax Reform for Attracting Better and High Quality Opportunities or TRABAHO (HB 313) na sadyang nakatulong gawing ‘globally competitive investment hub’ ang bansa sa pamamagitan ng magagandang mga insentibo para sa mga mamumuhunan.
Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, pangunahing may-akda ng TRABAHO, layunin nito na ibaba sa 20% ang kasalukuyang 30% buwis sa ‘corporate income’ at tiyaking ito ay magdudulot ng pinakamagandang mga benepisyo gaya ng higit na malaki at malawak na pamumuhunan, higit na kapaki-pakinabang na mga trabaho at mataas na antas ng teknolohiya.
Kasama sa mga insentibo ang mga sumusunod: 1) 3 taong ‘income tax holiday’ basta magbabayad sila ng 18% CIT -- 15% sa pamahalaang nasyunal at 3% sa LGU sa susunod na 2 taon; 2) 30% kabawasan sa halaga ng ‘capital expenditures’ sa loob ng 3 taon -- 10% sa gusali, 20% sa mga makinarya at ibang kagamitan sa susunod na 2 taon; 3) Hanggang 50% karagdagang bawas sa buwis kaugnay sa mga gastos sa mga manggagawa sa loob ng 2 taon; 4) hanggang 100% bawas sa gastos sa ‘research and development,’ at mga pagsasanay sa 2 taon; 5) hanggang 100% sa gastos sa mga imprastraktura sa loob ng 5 taon; 6) hanggang 50% sa ‘reinvestment’ sa ‘manufactu-ring,’ 5 taon; 7) hanggang 50% karagdagang bawas sa ‘domestic inputs’ sa loob ng 2 taon; 8) libreng pasok sa customs sa mga ‘imported capital equipment’ sa loob ng 5 taon na maaaring dagdagan pa ng 5 taon uli; at libreng buwis sa Customs sa mga inangkat na mga ‘raw materials’ sa loob ng 5 taon; at iba pa.
- Latest