^

Bansa

Department of OFW suportado ng license recruitment agencies

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Suportado ng sama­han ng mga lisensyadong recruitment agencies sa bansa ang plano ni Pangulong Duterte na pagtatayo ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW).

Sinabi ni Lucy Sermonia na kaisa ng Pa­ngulo ang mga matitinong licensed recruitment agencies, sa galit nito sa mga illegal recruiters na nambibiktima at nanloloko ng mga aplikante at OFWs, lalo na sa mga naniningil ng “horrendous charges” mula sa mga ito.

Ayon kay Sermonia ng grupong Coalition of Licensed Employment Providers of the Philippines (CLOEPP), labis ang kanilang kagalakan sa pahayag na ito ng Pangulo. Makakatulong umano ang pagkakaroon ng bagong departamento para matuldukan ang mga problema na dulot ng mga abusado at fly-by-night recruiters.

Anya, may mga lehitimong OFWs na napapabalitang nakaranas nang hindi maganda, dahil sa kapabayaan ng ilang lisensiyado ngunit iresponsableng recruiters.

Ang masaklap pa sabi ni Sermonia, sa bawat kwento ng kalungkutan at kabiguan, nakakaladkad ang buong recruitment industry. Illegal recruiters man ang naging sanhi ng problema ng mga biktima, nadadamay sa galit ng gobyerno at publiko ang mga nasa lisensiyadong recruitment at manning agencies na matitino at responsable, na siyang totoong partners ng gobyerno sa pagbibigay ng lehitimong overseas jobs sa mga manggagawang Pilipino.

Ang remittances ng mga OFWs na deployed ng mga licensed agencies din na ito, ang may malaking ambag sa paglago ng economic standing ng bansa.

 

DEPARTMENT OF OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with