‘Menstrual leave’ posible – DOLE
MANILA, Philippines — Naniniwala si Labor Secretary Silvertre Bello III na posibleng maaprubahan ang ‘menstrual leave’ sa pamamagitan ng collective bargaining agreement.
Bagamat wala pa naman aniyang batas kung saan pinapayagan ang mga babaeng manggagawa na mag-leave sa trabaho dahil sa menstrual cramp, depende naman ito sa pag-uusap ng employees at mismong employer.
Inihain ng yumaong senador na si Miriam Defensor Santiago sa 13th Congress ang ‘‘Menstruation Leave Act” o “an act granting ‘menstruation leave’ of one (1) day a month with fifty percent daily remuneration to all female employees in the private and public sectors.”
Masakit sa pakiramdam sa mga babae ang dysmenorrhea o menstrual cramps na nararanasan tuwing sila ay nagkakaroon ng buwanang dalaw at nagtatagal ito ng dalawa hanggang apat na araw kung saan nananakit ang puson o likod.
- Latest