^

Bansa

‘Falcon’ lumakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Falcon’ lumakas
Alas-4 ng hapon kahapon, si Falcon ay namataan ng PAGASA sa layong 335 kilometro silangan timog silangan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras at pagbugso na 80 kilometro bawat oras.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Lumakas ang bagyong Falcon habang nasa Luzon.

Alas-4 ng hapon kahapon, si Falcon ay namataan ng PAGASA sa layong 335 kilometro silangan timog silangan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras at pagbugso na 80 kilometro bawat oras.

Si Falcon ay kumikilos pakanluran sa bilis na 30 kph.

Nakataas ang signal no. 2 sa northeastern portion ng Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands.

Signal no. 1 naman sa Batanes, nalalabing bahagi ng  Cagayan, northern portion ng Ilocos Norte, northern portion ng Abra, Apayao, Kalinga, Isabela, eastern portion ng Mt. Province at eastern portion ng Ifugao.

Makakaranas ng malakas na pag-ulan sa buong Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan, Occidental Mindoro, Palawan kasama na ang Calamian at Cuyo Islands, Panay Island, at Guimaras.

Mahina hanggang sa katamtaman ang ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa Huwebes, katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Zambales at Occidental Mindoro, habang mahina hanggang sa katamtaman na pag-ulan sa Metro Manila, Calabarzon, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Central Luzon at Mimaropa.

TROPICAL DEPRESSION FALCON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with