Warrant of arrest vs Masbate mayor
MANILA, Philippines — Pinaaaresto ng Masbate Regional Trial Court si Batuan, Masbate Mayor Charmax Jan Yuson kaugnay ng kinahaharap na kasong illegal possession of firearms matapos makumpiskahan ng matataas na kalibre ng baril sa isinagawang raid sa pagmamay-aring resort.
No bail ang inirekomenda ni Branch 50 Regional Trial Court Judge Arturo Clemente Revilla laban kay Yuson sa kasong possession of firearms habang P120,000 bail naman sa kasong paglabag sa Section 28 ng Republic Act 10591 o unlawful acquisition of firearms and ammunition.
“You are hereby commanded to arrest Mayor Charmax Jan Yuson of Brgy. Canvañez, Batuan Masbate charged before me with the crimes of violation of Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” nakasaad sa kautusan ni Revilla.
Pebrero 13, 2019 nang salakayin ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group sa bisa ng search warrant ang resort ng mag-amang Charmax at Charlie Yuzon matapos makatanggap ng report na may mga private armed group umano ang mag-ama at nag-iingat umano ng mga ‘di lisensyado at matataas na kalibre ng baril.
Ilan sa nakumpiska sa isinagawang raid ay Bushmaster 116 rifle, baby armalite, 3 kalbre ng .38 pistol, isang hand grenade at isang fragmentation grenade.
- Latest