^

Bansa

64 sinibak sa Customs maglilinis ng Pasig River

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
64 sinibak sa Customs  maglilinis ng Pasig River
Kinumpirma ng Pangulo ang pagsibak sa 64 opis­yal at empleyado ng Customs maliban kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat para sa mga OFWs sa Camp Aguinaldo kamakalawa ng gabi.

MANILA, Philippines — Paglilinisin ni Pangulong Duterte ng mga water lily sa ilog Pasig ang 64 kawani na tinanggal niya sa Bureau of Customs (BOC).

Kinumpirma ng Pangulo ang pagsibak sa 64 opis­yal at empleyado ng Customs maliban kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat para sa mga OFWs sa Camp Aguinaldo kamakalawa ng gabi.

Sinabi pa ng Pangulo na may nagpayo sa kanya na kung nais niyang maputol ang katiwalian sa BOC ay dapat tanggalin niya lahat.

“Ang iniwan ko si Jagger lang, ‘yung chief. Kasi… May nagbulong sa akin. ‘Gusto mo talagang maputol ang corruption, Mayor? Tanggalin mo lahat,” pahayag ng Pangulo.

Pinagre-report ng Pangulo ang 64 sa kanyang tanggapan sa Malacañang.

Hindi naman tiyak kung nagbibiro lamang ang Pangulo o talagang paglilinisin niya ng mga nakakalat na water lily sa Ilog Pasig ang mga tinanggal na kawani ng BOC.

“So tinanggal ko lahat. Sabi ko, “Tanggal kayong lahat.” Doon kayo mag-report sa Pasig. Doon sa opisina ko --- pinaka… Ang barge ko magpunta ako doon sa opisina sa Pasig, galing dito sa kabila, hindi na makalusot dahil sa water lily. ‘Yun ang ipatrabaho ko sa kanila para makalusot ako doon sa Malacañang,” pahayag ng Pangulo.

BUREAU OF CUSTOMS

ILOG PASIG

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with