Emergency power ni Duterte isinulong
MANILA, Philippines — Muling isinulong sa 18th Congress ang panukalang bigyan ng emergency power si Pangulong Duterte na pinaniniwalaang reresolba sa traffic crisis sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Sa Senate Bill 213, ipinunto ang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency na nasa P3.5 bilyon araw-araw ang nawawala dahil sa trapik at congestion crisis sa Metro Manila pa lamang.
Ang panukala ay ililimita sa Metropolitan Manila, Metropolitan Cebu, Davao City, Cagayan de Oro City at iba pang “highly urbanized cities”. Ilalagay naman sa national emergency ang land, air at sea traffic.
Ililimita rin ang emergency powers ng Pangulo sa pagresolba ng trapiko at congestion crisis.
Ang Secretary of Transportation ang itatalagang de officio Traffic Crisis Czar na magiging alter ego ng Pangulo sa buong panahon na umiiral ang emergency powers.
Sinabi naman ni DOTr Sec. Arthur Tugade na pipilitin niyang maipaliwanag sa mga senador ang kahalagahan ng panukala upang mapadali na rin ang pagpapasa nito.
Nakasaad din na magkakaroon ng pagbabago sa oras ng pagpasok sa mga opisina o kumpanya at liliwanagin ang papel ng local government units.
- Latest