Bagong US envoy ipapadala sa Philippines
MANILA, Philippines — Bagaman at wala pang kumpirmasyon mula sa US Embassy, napaulat na magiging bagong ambassador ng Amerika sa Pilipinas si US State Department Deputy Assistant Secretary Mina Chang.
Papalitan ni Chang si outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim.
Katulad ng papalitan niyang si Kim, si Chang ay isa ring Korean-American.
Noong Enero 2019 ay itinalaga ni US President Donald Trump si Chang bilang assistant administrator ng United States Agency for International Development (USAID).
Ayon sa website ng US State Department, si Chang ay nagsilbi bilang Deputy Assistant Secretary for the Bureau of Conflict and Stabilization Operations (CSO).
May malawak din umanong “ground experience” si Chang sa mga lugar na may kaguluhan katulad ng Afghanistan, Iraq, Nigeria, at Pilipinas.
- Latest