^

Bansa

Pangalan ng mga 'epal' na pulitiko sa eskwela ipinatatanggal ni Mayor Isko

James Relativo - Philstar.com
Pangalan ng mga 'epal' na pulitiko sa eskwela ipinatatanggal ni Mayor Isko
"Walang epal sa pader ng eskwelahan. Walang epal sa mga basketball court, gymnasium na pinagawa ng mga pulitiko sa loob ng eskwelahan. Bawal ang epal. Tigilan na natin ‘yan," sabi ng Manila mayor.
Released/Manila Public Information Office

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ngayong araw ni Manila mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso na tanggalin sa lahat ng elementarya't hayskul sa Maynila ang pangalan ng sinumang pulitiko — kabilang na ang kanya.

Inilahad niya ang bagong polisiya sa gitna ng pulong ng City School Board sa city hall, ika-9 ng Hulyo.

"Walang epal sa pader ng eskwelahan. Walang epal sa mga basketball court, gymnasium na pinagawa ng mga pulitiko sa loob ng eskwelahan. Bawal ang epal. Tigilan na natin ‘yan," sabi niya.

Gusto raw kasi ng bagong alkalde na ilayo ang pamumulitika sa espasyo ng pampublikong pag-aaral.

Matagal nang itinutulak ng mga mambabatas sa Kamara at Senado ang pagpapasa ng "anti-epal" bill, na siyang magbabawal sa paglalagay ng pangalan ng government officials sa proyekto ng pamahalaan.

Nagagamit daw kasi ang mga nasabing proyekto sa "premature campaigning" bago ang eleksyon.

Gayunpaman, hindi ito tuluyang naisasabatas.

"Huwag natin pulitikahin ang ating mga paaralan. Let’s leave politics to politicians, and our educational institutions to academicians (Iwan natin ang putilika sa mga pulitiko, at ang edukasyon sa mga guro)," dagdag ni Domagoso.

Nanindigan din siya na isama na rin ang kanyang pangalan sa mga kailangang burahin sa paaralan: "Pinatatanggal ko lahat ng pangalan, ultimo ang pangalan ko at pangalan ng mga pulitiko, na nakapintura o nakakabit sa mga eskwelahan."

Pinaalalahanan naman niya ang mga lingkodbayan na huwag gamitin ang pera ng publiko para i-advertise ang sarili.

"[Y]ou are immortalizing yourself or as if it is your money, that is not your money (Kung makaasta kayo akala niyo pera niyo 'yan, hindi 'yan inyo). Pera yan ng taumbayan," kanyang panapos.

ANTI-EPAL BILL

CITY OF MANILA

ISKO MORENO

SCHOOLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with