^

Bansa

Net satisfaction rating ni Duterte 'record high' uli sa Q2 ng 2019 — SWS

Philstar.com
Net satisfaction rating ni Duterte 'record high' uli sa Q2 ng 2019 — SWS
Isinagawa ang survey noong ika-22 hanggang ika-26 ng Hunyo, 2019 sa harapang panayam ng 1,200 katao.
Presidential Photo/Rey Baniquet

MANILA, Philippines — Pumalo sa 80% ng mga Pilipino edad 18 pataas ang ang kuntento sa trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa pinakahuling survey na inilabas ng Social Weather Stations Lunes ng hapon.

Lumabas din sa parehong pag-aaral na 12% lang ang hindi kuntento habang 9% ang hindi pa nakapagdedesisyon.

Isinagawa ang survey noong ika-22 hanggang ika-26 ng Hunyo, 2019 sa harapang panayam ng 1,200 katao.

Ang resulta'y lumabas kabila ng sari-saring isyung kinakaharap ng administrasyon kamakailan tulad ng agawan sa West Philippine Sea at madugong gera kontra droga.

Nagdulot ito ng net satisfaction rating na +68, na nakuha sa pamamagitan ng pag-awas ng porsyento ng "satisfied" sa porsento ng "dissatisfied."

Pasok ito sa klasipikasyong "very good" ng SWS.

"This is a new personal record-high that surpassed the previous record of very good +66 in March 2019 and June 2017," sambit ng organisasyon.

(Nagtakda ito ng panibagong pinakamataas na puntos na nakaaangat pa sa naunang record na very good +66 noong Marso 2019 at Hunyo 2017.)

Tumaas sa Luzon, bumaba sa ibang lugar

Iniuugnay ng SWS ang dalawang-puntos na pagtaas ng net satisfaction rating mula Marso 2019 patungong Hunto 2019 sa pagsirit nito sa Balance Luzon.

"[It offset] declines in Mindanao, the Visayas and Metro Manila," paliwanag ng SWS.

(Nakontra nito ang pagbaba sa Kamindanaoan, Kabisayaan at Kamaynilaan.)

Nanatiling "very good" ang rating ni Duterte sa Balance Luzon, na tinatayang nasa +65 (78% satisfied, 13% dissatisfied) nitong Hunyo 2019.

Ito'y siyam na puntos na pagtaas mula +56 noong Marso.

Napanatili naman itong "excellent" sa Mindanao, kahit na bumaba sa +81 na dati'y +88.

Bumaba rin ito mula +69 sa Visayas patungong +66.

Nabawasan din ito ng dalawang-puntos sa Metro Manila mula +61 patungong +59.

Sa kabila nito, lumalabas namang tumaas din ang net satisfaction rating ng pangulo sa urban areas, class E, kababaihan, nagtapos ng elementarya't high school at iba pa.

Kumuha ng 300 katao sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao sa nasabing pag-aaral.

Nagtala ito ng ±3% "sampling error" sa national percentage habang ±6% naman sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao. — James Relativo

vuukle comment

NET SATISFACTION RATING

RODRIGO DUTERTE

SOCIAL WEATHER STATIONS

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with