^

Bansa

‘Injectable skin whitening’ delikado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Injectable skin whitening’ delikado
Sinabi ng FDA na may “toxic side effects” ang paggamit ng natu­rang mga produkto sa atay, kidney, at maging sa “nervous system” ng tao. Maaari ring magkaroon ng “Stevens-Johnson Syndrome”, isang seryosong kundisyon sa balat.
File

Babala ng FDA

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng alarma ang Food and Drugs Administration (FDA) laban sa pagkalat ng mga gamot na iniineksyon at nagpapaputi umano ng balat na hindi inaaprubahan ng ahensya para maibenta sa merkado dahil sa posibleng masamang idudulot sa kalusugan.

Sinabi ng FDA na may “toxic side effects” ang paggamit ng natu­rang mga produkto sa atay, kidney, at maging sa “nervous system” ng tao. Maaari ring magkaroon ng “Stevens-Johnson Syndrome”, isang seryosong kundisyon sa balat.

“The FDA has not approved any injectable products for skin lightening,” ayon sa FDA. “Injectable glutathione is approved by FDA Philippines as an adjunct treatment in cisplatin chemotherapy,” dagdag pa nito.

Nakakabahala umano na maraming mga negosyante ang nag-aalok ng “intravenous drip o infusion” na may sangkap ng glutathione, vitamin C at iba pang kemikal na pampaputi umano.

Iginiit ng ahensya na wala pang nalalathala na “clinical trials” na nagbeberepika sa pagi­ging epektibo at ligtas sa kalusugan ng mga natu­rang gamot at wala ring pamantayan sa dami ng tamang “dosage” nito.

Nanawagan ang FDA sa publiko na kumonsulta lamang sa mga dermatologists na sertipikado nila ukol sa kondisyon ng kanilang mga balat.  

Nagbabala rin ito sa mga konsyumer laban sa pagbili ng mga “injectable” na produkto sa pamamagitan ng online shopping.

FOOD AND DRUGS ADMINISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with