^

Bansa

E-cigars, vape bawal na sa pampublikong lugar

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
E-cigars, vape bawal na  sa pampublikong lugar
Base sa Administrative Order 2019-0007 na pinirmahan ni Health Secretary Francisco Duque III noong Hun­yo 14, kabilang na sa public smoking ban ang mga Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery System (ENDS).
Russell Palma

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal na ng Department of Health (DOH) ang paghithit ng electronic cigarette at vape sa mga pampublikong lugar.

Base sa Administrative Order 2019-0007 na pinirmahan ni Health Secretary Francisco Duque III noong Hun­yo 14, kabilang na sa public smoking ban ang mga Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery System (ENDS). 

Ayon kay DOH spokesman Eric Domingo, ang AO ay magiging epektibo matapos itong mailathala sa dalawang pahayagan.

Ang paninigarilyo ng vape at e-cigarettes ay pinapayagan lang sa mga designated smoking area sa ilalim ng Section 4 of Executive Order 26.

Ang EO 26 na pinir­mahan ni Pangulong Du­terte noong 2017 ay nagbabawal sa pani­niga­rilyo ng sigarilyo at iba pang tobacco product sa mga pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, workplace, pasilidad ng gobyerno, simbahan, ospital, terminal, palengke, parke at mga resort.

Pinapayagan lamang ang paniniga­rilyo sa mga itinakdang lugar at open spaces na mayroong tamang bentilasyon.

Sinasabi rin sa AO na ang mga establisimyento na nagbebenta pati na sa online at sangkot sa paggawa, distribusyon, importasyon at eksportasyon ng mga produktong ENDS ay kailangan magkaroon ng license to operate mula sa Food and Drug Admi­nistration. 

Ang retail din ng ni­cotine shots at concentrates ay ipinagbabawal na rin.

Ang mga container din ng mga ito ay kaila­ngan lagyan ng tamang babala sa kalusugan.

DEPARTMENT OF HEALTH

ELECTRONIC CIGARETTE

VAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with