^

Bansa

'Sana ma-impeach siya' — misis ng GEM-VER 1 captain kay Duterte

James Relativo - Philstar.com
'Sana ma-impeach siya' — misis ng GEM-VER 1 captain kay Duterte
"Naiinis ako. Sabi ko, 'Sana ma-impeach siya,'" wika ni Lani nitong Huwebes.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Aminado ang maybahay ng kapitan ng GEM-VER 1, ang bangkang nabangga at napalubog sa Recto Bank, na dismayado siya sa mga huling pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pagbabawalan sa West Philippine Sea ang Tsinong mangingisda.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Lani Insigne, sinabi niyang inis na inis siya nang mapanood niya sa telebisyon ang linyahan ng Malacañang.

"Naiinis ako kanina, nanunuod ako ng TV. Naiinis ako. Sabi ko, 'Sana ma-impeach siya,'" wika ni Lani nitong Huwebes.

Si Lani ang asawa ni Junel Insigne, na kasama sa 22 Pilipinong mangingisda na inararo't iniwan ng mga banyaga sa laot.

Nangyari ang insidente sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Matatandaang sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo kahapon na patuloy na makakapangisda ang mga Tsino sa EEZ ng bansa dahil hindi naman daw susunod kung pagbabawalan.

"Ang sinasabi ng presidente, 'Hindi ko pagbabawalan kasi hindi naman nila gagawin,'" sabi ni Panelo sa isang press briefing.

'Yan ay kahit sinasabi ng Article XII, Section 2 ng 1987 Constitution na tanging mga Pilipino lang ang maaaring makinabang sa mga yamang-dagat sa mga archipelagic waters, territorial sea at EEZ.

Nakasaad naman sa Section 2 (b) ng Philippine Fisheries Code of 1998 ang sumusunod:

"It is hereby declared the policy of the State...  to limit access to the fishery and aquatic resources of the Philippines for the exclusive use and enjoyment of Filipino citizens."

"Parang wala nang karapatan ang Pilipinas doon... Parang Chinese na lang ang sinusunod niya," dagdag ni Insigne.

Nang tanungin si Duterte kagabi kung binibigyan niya ng permismo ang Tsina na mangisda sa loob ng EEZ, pareho lang ang sinabi niya kay Panelo.

"We do not need to give [permission], or disallow China because in the mind of China... down to the last soldier and citizen, kanila ['yan]... Kaya nga kinuha nila."

(Hindi natin sila kailangang payagan o pagbawalan kasi sa tingin ng Tsina... ultimo sa mga sundalo at mamamayan nila, kanila 'yan... Kaya nga kinuha nila.)

"That question is panghuhuli lang... Stupid question. Very stupid. Sabihin ko sa China, 'Huwag mong gawin 'yan,' gagawin niya."

Una na niyang sinabi na walang soberanya ang Pilipinas sa sarili nitong EEZ.

'May batayan para sa impeachment'

Dahil sa "pagpayag" ng pangulo na mangisda ang mga Tsino sa EEZ ng Pilipinas, marami na ang nagsasabing may batayan para mapatalsik siya sa pwesto.

Ilan na sa mga nagsabing pwesto ipa-impeach si Duterte ay sina Alliance of Concerned Teachers Rep. Antonio Tinio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

"Yes, most definitely, absolutely that is the case because the Constitution is very clear on it. Not just territorial waters, but also the exclusive economic zone of the Philippines, the resources there are exclusively for Filipinos," sabi ni Tinio sa panayam ng ANC Biyernes.

(Oo, ganoon na nga ang kaso dahil klarong-klaro ang Saligang Batas dito. Hindi lang ito territorial waters, pero pati ang EEZ ng Pilipinas, ang mga likas-yaman doon ay nakalaan lamang para sa mga Pilipino.)

Aniya, umamin din daw si Duterte na binigyan niya ng "go signal" si Chinese President Xi Jinping noong 2016 na pwede silang makapangisda sila sa Recto Bank kapalit ng mapayapang panunumbalik ng mga Pilipino sa Panatag Shoal.

"In terms of a basis for an impeachment complaint, just taking this issue of the West Philippine Sea, very clearly, there is basis," ani Tinio.

(Kung basehan at basehan lang, sa isyu pa lang ng West Philippine Sea, meron talagang batayan.)

Gayunpaman, duda pa naman ang ACT na kaya agad mapa-impeach si Duterte dahil inaasahang magkakaroon ng "super majority" sa paparating na 18th Congress.

"It will be a question of timing. The basis is there, but timing will ultimately depend on the public," dagdag niya.

(Timing na lang ang pinag-uusapan. Nandiyan ang batayan, pero sa huli't huli nakadepende ito sa publiko.)

CHINA

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

RECTO BANK

RODRIGO DUTERTE

TERRITORIAL DISPUTE

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with