^

Bansa

Maternity benefits ng SSS aabot na sa P70,000 sa 2020

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Maternity benefits ng SSS  aabot na sa P70,000 sa 2020
Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer (CEO) Aurora Ignacio, kasunod na rin ito ng implementasyon ng Republic Act No. 11210 o ang Expanded Maternity Law at ng SSS Act of 2018.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Aabot na sa P70,000 ang matatanggap na maximum maternity benefits na maaaring maibigay ng Social Security System (SSS) simula sa Enero 2020.

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer (CEO) Aurora Ignacio, kasunod na rin ito ng implementasyon ng Republic Act No. 11210 o ang Expanded Maternity Law at ng SSS Act of 2018.

Ayon kay Ignacio, tataas ang SSS benefits na makukuha ng mga miyembro dahil na rin sa ipinatutupad na bagong minimum at maximum monthly salary credit.

Dahil daw dito, aabot sa halos doble ang maternity benefit na makukuha ng isang ina na dating nakatatanggap lang ng P32,000.

Inihayag pa ng SSS CEO na mula nang ipatupad ang Expanded Maternity Leave Law, umabot na sa higit 122,000 ina ang nakapag-avail ng expanded maternity benefit.

Katumbas ito sa P2.67 billion na maternity bene­fits mula January hanggang April nitong taon, mas mataas ng 15.09 percent sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

SSS MATERNITY BENEFITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with