^

Bansa

PDP-Laban inendorso si Velasco sa speakership

Rudy Andal, Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
PDP-Laban inendorso si Velasco sa speakership
Isang manifesto din ng PDP-Laban, Partylist bloc, Nationalist Peoples Coalition (NPC) at Northern Alliance bloc ang nagpahayag ng suporta kay Velasco.

MANILA, Philippines — Pormal nang inanunsyo kahapon ni Sen. Manny Pacquiao ang pag-endorso kay Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco bilang susunod na speaker ng Kamara.

Sinabi ni Pacquiao, siya ang binigyan ng pahintulot ni PDP-Laban president Sen. Koko Pimentel upang mag-anunsiyo ng magiging speakership bet ng kanilang partido.

Isang manifesto din ng PDP-Laban, Partylist bloc, Nationalist Peoples Coalition (NPC) at Northern Alliance bloc ang nagpahayag ng suporta kay Velasco.

“We believe that Representative Lord Allan Jay Q. Velasco is the best choice to lead the House of Representatives in the 18th Congress given his experience, competence and strong camaraderie with his colleagues,” base sa inilabas na Multiparty Manifesto of Support ng mga lider.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Ve­lasco sa kanyang mga kapwa kongresista na sumusuporta sa kanya.

Nitong weekend ay nagsagawa ng informal caucus ang mga kongresista na kabilang sa PDP-Laban at inendorso si Velasco para sa speakership race.

Ayon naman kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, 200 na boto mula sa apat na political parties ang papabor kay Velasco.

LORD ALLAN JAY VELASCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with