^

Bansa

Marinduque Rep. Velasco pambato ng PDP-Laban bilang speaker ng Kamara

Philstar.com
Marinduque Rep. Velasco pambato ng PDP-Laban bilang speaker ng Kamara
Kuha ni Velasco (kaliwa) kasama si pangulong Duterte.
Instagram/Lord Allan Velasco

MANILA, Philippines — Idineklara ni Sen. Manny Pacquiao na si Marinduque Representative Lord Allan Velasco bilang opisyal na pambato ng PDP-Laban sa pagka-speaker sa Kamara.

Iprinoklama ito ng boksingerong senador habang nagpapahinga sa kanyang pag-eensayo sa Los Angeles para sa nalalapit na bakbakan kay Keith Thurman sa ika-20 ng Hulyo sa Las Vegas, Nevada.

“By the powers vested in me by the president of the party, I am therefore announcing the endorsement in support of the PDP-Laban to Congressman Lord Allan Velasco as Speaker of the House of Representatives in the full term of the 18th Congress,” ani Pacquiao sa ulat ng The STAR.

(Sa kapangyarihang iginawad sa akin ng presidente ng aking partido, idinedeklara ko ang pag-endorso at pag-suporta ng PDP-Laban kay Congressman Lord Allan Velasco bilang Speaker ng House of Representatives sa buong termino ng ika-18 na Kongreso.)

Si Velasco ay malapit sa mga Duterte, na kanyang kinumpirma sa isang panayam sa ANC’s “Headstart”.

Ayon sa kanya, lamang niya ang pagiging malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang kandidato sa speaker ng Kamara. 

Noong Nobyembre 2018, ipinakilala nina Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte si Velasco bilang susunod na speaker sa iba’t ibang kaganapan sa Marinduque. 

Isinama rin si Velasco sa Hong Kong trip ng pamilyang Duterte noong Pebrero 15.

Ngunit mahigpit na karibal ni Velasco ang kapartidong si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na may magandang track record sa serbisyong pampubliko, ayon sa kanyang mga taga-suportang PDP-Laban solons.

Ang PDP-Laban ang kasalukuyang mayoryang partido sa Senado. Ito rin ang partido ni Digong noong 2016 presidential elections. 

Kayo na ang bahala

Ipinaubaya kahapon ni Duterte sa mga miyembro ng House of Representatives ang pagpili ng speaker sa pagitan nina Reps.Martin Romualdez ng Leyte, Cayetano ng Taguig-Pateros, at Velasco ng Marinduque.

“Sila na lang. Kayo na lang. Ako ang susunod sa inyo. Bakit ilagay ninyo sa akin 'yang problema? Maski sinong Speaker diyan, kumportable man ako. Basta Pilipino lang, okay lang sa akin,” sabi ni Duterte sa isang ulat ng ABS-CBN.

Sa parehong panayam, pabiro ring pinosasan ni Duterte ng laso si outgoing speaker Gloria Arroyo, kung hindi siya tutulong sa pagpili ng magmamana ng posisyon niya sa Kamara.

“At hindi ako nagbibiro. Tinawag ko 'yung mga guwardiya. 'Akin na 'yang posas ninyo.' Sabi ko ipatikim ko ito ulit ng…[pagkakulong],” biro niya sa parehong ulat.

“Sabi niya, 'Rody, huwag mo naman ako isali diyan kay pareho na lang tayo,” dagdag pa niya. 

Nakaambang ang pagpili ng 54 na solon ng kanilang speaker ng Kongreso sa ika-22 ng Hulyo 22. — Philstar.com intern Blanch Marie Ancla at may mga ulat mula kina Paolo Romero at Gemma Garcia

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LORD ALLAN VELASCO

PDP-LABAN

SPEAKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with