Habagat paiigtingin ni ‘Dodong’
MANILA, Philippines — Tatagal hanggang weekend ang kalat-kalat na pag-ulan sa malaking parte ng ating bansa.
Ito ang naging pahayag ni Pagasa forecaster Ariel Rojas, matapos mag-develop na bilang tropical depression Dodong ang dating low pressure area (LPA) sa silangan ng Northern Luzon.
Huling namataan ang bagong bagyo sa layong 615 km silangan hilagang silangan ng Aparri, Cagayan. May lakas itong 45 kph at may pagbugsong 60 kph.
Tinatahak nito ang pahilagang silangang direksyon sa bilis na 25 kph.
Bagama’t hindi ito inaasahang tatama sa lupa, maghahatak naman ito ng habagat na maghahatid ng baha at pagguho ng lupa sa Metro Manila at mga karatig na lugar.
Aabot din ang epekto nito sa ilang lugar sa Central at Western Visayas.
- Latest