^

Bansa

Milyon-milyong Pinoy ‘di na itsapwera sa digital economy

Pilipino Star Ngayon
Milyon-milyong Pinoy ‘di na itsapwera sa digital economy
Makararating na sa lahat ang mga benepisyo ng financial technology nang buksan ng Globe Fintech Innovations Inc. (Mynt) ang mobile wallet nitong GCash para sa lahat ng telco subscribers sa bansa – maging sila man ay Smart, Globe, TM, Sun, TNT o Cherry users at maging ang mga magiging subscriber ng alinmang papasok pang telco player.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Mas marami nang Pilipino ang makasasali sa digital economy sa pamamagitan ng isang e-money platform na maaari nang magamit ng sinumang telco subscriber kahit ano pa ang kanyang mobile network.

Makararating na sa lahat ang mga benepisyo ng financial technology nang buksan ng Globe Fintech Innovations Inc. (Mynt) ang mobile wallet nitong GCash para sa lahat ng telco subscribers sa bansa – maging sila man ay Smart, Globe, TM, Sun, TNT o Cherry users at maging ang mga magiging subscriber ng alinmang papasok pang telco player.

“Our vision is to promote financial inclusion across all sectors of the society. As we lead the movement for financial inclusion in the country, we believe that providing a telco agnostic platform will help more Filipinos participate in the digital economy,” ani Ney Villasenor, vice president para sa corporate communications group ng GCash (Mynt). 

Nagagamit ang GCash digital wallet na pang-load at panghiram ng load sa kahit anong mobile network; pambayad ng bills, credit card, government services, at tuition; at walang bayad ang pagpapadala ng pera sa isa pang GCash user. Maaari pa itong pang-online shopping, pambili sa mga department store, at pang-book ng movie tickets online upang makaiwas sa pila.

DIGITAL ECONOMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with